Kris lalaban hanggang sa huli para sa hustisya | Bandera

Kris lalaban hanggang sa huli para sa hustisya

Ronnie Carrasco III - November 22, 2018 - 12:05 AM

KRIS AQUINO

KRIS Aquino couldn’t care less if she sees herself go down the drain as long as makamit ang hinihingi niyang hustisya kapalit ng panloloko sa kanya sa pera ng taong pinagkatiwalaan niya.

Para naman kasing nambubuwisit na ang taong sa wakas ay kinilalang si Nicko Falcis who holds a key position in her production company.

May kuwento kasing tumakas na ito na pinabulaanan ng mismong kapatid nitong abogado, and as Kris logically puts it: flight is an admission of guilt. Hinahawakan pa umano nito sa leeg ang buong prosecutor’s office para hindi umusad ang kaso.

Sa bandang huli’y handang ipaglaban ni Kris ang kaso. Aniya, galit siya sa magnanakaw.

Kris found a perfect timing to express her aversion toward the thieves.

Halos kasunod lang din kasi ng pahayag na ‘yon ang conviction kay dating Unang Ginang at Congresswoman Imelda Marcos sa pitong bilang ng graft, na nito lang nadesisyunan.

Much has been said and written about the case, ang hinihintay na lang ng madlang pipol (as we go to press ay hindi pa nadarakip si Imelda) is for the guilty party to land in jail.

Umaapaw sa social media ang ‘di na mabilang na opinyon ng bayan, most if not all of which are in favor of Imelda’s arrest habang nagngingitngit ang taumbayan sa obyus na preferential treatment na iginagawad sa 89 year-old lady.

Tama na ang opinyon, aksyon ang kailangan. And by that, the majority of the Filipinos want to see Imelda inside her prison cell tulad ng sinumang nagkasala sa batas.

Isinasatinig din lang ni Kris ang panawagan indirectly involving her case, pero ‘yun din ang tinutumbok ng kanyang I-hate-thieves stand.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending