Kilalang male star dugyutin na ang itsura
“AY bakit ang dirty na niya? Dati cute siya at mukhang mabango? Ngayon parang amoy kanto na,” ang komento ng isang grupo ng mga babaeng kumakain sa isang restaurant sa Promenade, Greenhills tungkol sa isang aktor na naghahanap ng makakainan.
Tinanong din kami ng mga kasama namin kung ano ang project ng aktor ngayon dahil nagbago nga ang itsura nito. Nilingon namin ang aktor at may punto nga ang nakapansin sa itsura niya.
“Baka kasi may bago siyang movie kaya change image,” sabi namin. “Hmp! Maski na, hindi na siya cutie pie,” hirit sa amin.
Susme kung puro cutie pie ang gusto ng mga tagahanga ng aktor o ng isang artista ay hindi sila mabibigyan ng ibang karakter, kailangan din naman nilang mag-mature.
Sakto, nalaman nga namin na may pelikulang ginagawa ngayon ang aktor at inamin din niyang sinadya niyang baguhin ang itsura para may mag-offer sa kanya ng mga kakaibang role hindi ‘yung parati na lang siyang boy-next-door.
Pero in fairness, marunong siyang umarte. Hindi tulad ng iba na sobrang effort ang akting pero parang kulang pa rin.
Hindi kasi homegrown talent ang aktor sa pinagtatrabahuang TV network kaya siguro hindi siya masyadong nabibigyan ng projects kumpara sa isa ring aktor na hindi naman kaguwapuhan, OA umarte at hindi rin katangkaran pero kaliwa’t kanan ang projects.
q q q
Isa pang blind item bossing Ervin tungkol sa Pinoy movie na hindi kumita. Hindi kasi namin napanood ito nu’ng ipalabas sa mga sinehan dahil first day, last day yata.
Nang magkaroon ito ng premiere night sa malayong mall ay isa-isa naming tinanong ang mga katoto at bloggers na dumalo kung maganda ang pelikula, iisa ang sagot sa amin, “Okay naman, kaya lang baka kasi hindi masakyan ng manonood ang brand of comedy nila kasi malalim.”
Naintriga kaming panoorin ito dahil baka naman kaya naming sakyan ang sinasabing brand of comedy at sakto pinahiram kami ng kaibigan namin ng DVD copy ng pelikula.
Walang eksaherado bossing Ervin, siguro 30 minutes palang kaming nanonood, pinatay na namin ang DVD player.
Totoo nga, hindi namin kayang sakyan ang brand ng comedy sa sobrang chararat. Sabi nila, magaling ang nagsulat at nagdirek pero bakit parang school project lang ito.
Sa totoo lang, gusto naming maawa sa mga artistang nagsiganap, pero sa naisip namin baka bread trip lang. O, baka nga maganda ang pag-pitch sa kanila, hindi lang naging maganda ang execution?
Pero hindi rin, eh, kasi napanood namin ang unang pelikula ng direktor na talagang kumabig nang husto sa takilya sa ginanap na film festival years ago at dahil sobrang ganda at nakakatawa kaya muli itong ibinalik sa mga sinehan kaya kumita talaga.
Kaya naging interesado rin kaming panoorin itong sumunod niyang pelikula dahil maganda ang record niya sa una, ang ending parang puyat yata si direk nu’ng isulat niya ang script.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.