DTI, DA na inutil at walang konsensiyang mga negosyante | Bandera

DTI, DA na inutil at walang konsensiyang mga negosyante

Jake Maderazo - November 19, 2018 - 12:15 AM

PATULOY ang pagbagsak ng presyo ng langis sa buong mundo. Ang Dubai crude na dati’y nasa $80-82 per barrel $67/bbl samantalang ang Brent crude ay nasa $66/bbl, at West Texas Intermediate sa $65/bbl.
Mismong OPEC ngayon ay $65/bbl ang presyo ng krudo. Kaya naman patuloy ang pagbaba rito ng presyo ng gasolina, diesel, gaas at LPG.
Kung susumahin, matindihang naglaro ang mga oil companies sa presyo ng kanilang mga produkto sa nakalipas na 29 linggo.
Sa gasolina, mula Enero hanggang nitong Sabado, ang itinaas nito ay nasa P18.20/L dahil nga sa pagsipa ng global oil prices.
Pero ngayon, labing-anim na beses itong nag-rollback sa kabuuang P15.60/L. Kung isasama natin ang panibagong rollback na P1.30/L sa Martes, li-litaw na P1.30/L na lamang ang net increase.
Kahit paano malaki na ang ibinawi nating P16.90/L mula noong Enero. Sa diesel, iba ang kwento dahil P19/L ang kabuuang itinaas. Kung idadagdag ang rollback sa Martes na P1.10/L, papatak na P14.60/L ang kabuuang ibinaba ng presyo nito. Ibig sabihin, mas malaki pa rin ang net increase na P4.40/L.
Ang Kerosene ay umakyat din ng P19.25/L simula ng E-nero, pero nagkaroon naman ng 17 na rollback. Kung isasama natin ang bawas sa darating na Martes na P0.90/L sa kerosene, ang kabuuang ibinaba nito ay P13.72/L kayat mas mataas pa rin ang net increase sa P5.53/L.
Dito tayo nakabawi, sa LPG, kung saan pitong beses nag-increase sa kabuuang P12.50/kg mula Enero, pero apat na beses namang nag-rollback na umabot ng P12.67/kg kung saan bawi na tayo kahit maliit lang ng P0.17/kg.
Ano ang epekto da-pat ng ganitong mga rollback sa mga presyo ng bilihin? Maliwanag po na tumatabo na ngayon ng pera ang mga manufacturers, traders o biyahero.
Unang-una rito maliwanag na bumaba ang kanilang mga “delivery costs” lalo’t mas mura na ang gasolina at diesel. Kasama na rito ang mga biyahero ng pagkain, gulay, manok, baboy at baka.
Ang presyo sa bagsakan ng mga pagkaing ito ay dapat na bumagsak din dahil mas mura na ang biyahe.
Ikalawa, bumaba din ang gastos sa produks-yon dahil bukod sa krudo, bumaba din ang presyo ng kuryente. Kahit mga babuyan at manukan at maging pangingisda ay bumaba rin ang konsumong kuryente at gastos sa krudo.
Kaya nga, rito kukunsensyahin natin ang mga negosyanteng ito. Tingnan niyo naman ang inflation, u-mabot na ng 6.7% karamihan daw niyan ay dahil sa global oil prices.
Pero ngayong pababa na, bakit mataas pa rin? Maliwanag na may manipulasyon ng masisibang biyahero at mga manhid na negosyante ang dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.
Lalong-lalo ang mga hindi magalaw na mga biyahero sa palengke na ngayo’y nagpipista sa kabuuang rollback sa gasolina na P15.60/L at sa diesel ay P13.72/L, pero nagdidikta pa rin ng mataas na presyo ng manok, baboy at gulay sa mga palengke.
Ang malaking problema lalo, ay ang napa-kabagal at halos pagi-ging inutil ng DTI at Department of Agriculture sa mga biyahero at mga sakim na negosyante na patuloy na namamayagpag nang walang kaso o parusa man lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending