Angel tumodo sa ‘Glorious’, may ginawa kay Tony na ikina-shock ng madlang pipol | Bandera

Angel tumodo sa ‘Glorious’, may ginawa kay Tony na ikina-shock ng madlang pipol

|November 17,2018
facebook
share this

Angel tumodo sa ‘Glorious’, may ginawa kay Tony na ikina-shock ng madlang pipol

- November 17, 2018 - 12:01 AM

ANGEL AQUINO AT TONY LABRUSCA

GRABE! As in grabe pala talaga ang mga eksena nina Tony Labrusca at Angel Aquino sa unang digital movie ng Dreamscape Digital na “Glorious”.

Nabigyan kami ng chance na mapanood ang “Glorious” sa ginanap na celebrity at press screening sa Santolan Town Plaza sa San Juan City kamakalawa ng gabi.

Ilan sa mga celebrities na sumuporta sa digital movie nina Tony at Angel sina Vice Ganda, Coco Martin, Agot Isidro, Yassi Pressman, Vina Morales, Rowell Santiago, JC Santos, Dimples Romana at marami pang iba.

‘Yung trending at viral teaser ng pelikula kung saan ipinasilip ang laplapan at love scene ng dalawa ay talagang patikim pa lang dahil sa kabuuan nito, kulang sa 10 ang matitindi at nakakalokang intimate scenes nina Tony at Angel.

Tama ang sinabi ni Angel na ito na ang pinaka-daring na pelikula na nagawa niya, bukod kasi sa grabeng kissing scene nila ni Tony, may eksena pang nakatihaya si Tony sa kama habang siya ang nasa ibabaw at nagpakasasa sa katawan ng binata. May ginawa rin sa eksenang ito si Angel na talagang ikinagulat ng viewers! As in!

Siguradong maglalaway din ang mga girls and gays sa mga eksena ni Tony sa “Glorious” lalo na kapag nilalandi at tinutukso na niya si Angel para pagbigyan siya na marating ang “glorya.”

Pero in fairness, hindi lang ang laplapan at dilaan ang aabangan n’yo sa “Glorious”, napakahusay din ng pagkakalahad ng kuwento na sumentro sa makulay ngunit masalimuot na love story sa pagitan ng isang 50-year old mother at isang 22 taong gulang na sales clerk.

Natural na natural ang akting nina Tony at Angel, ‘yung feeling na parang nandoon ka rin sa pelikula dahil ramdam mo kung ano ‘yung pinagdaraanan nila bilang magkarelasyon. Nailabas ng kanilang direktor na si Connie Macatuno ang makatotohanang emosyon na kailangang makita at maramdaman ng mga manonood.

Samantala, bago magsimula ang screening, nagpasalamat muna ang dalawang bida ng “Glorious” sa lahat ng sumuporta sa kanilang proyekto.

“Thank you so much sa inyong lahat for supporting us, for being so open-minded,” ani Tony.

“Sarap naman! Salamat!” ani Angel nang salubungin siya ng malakas na palakpak ng mga tao sa sinehan.

Aniya pa, “Salamat din, Tony, for trusting me, and for accepting this project. It really meant a lot to me that he said yes.”

Nag-thank you rin sina Angel at Tony kina Direk Connie at Deo Endrinal (ng Dreamscape Digital) dahil sa kanila ipinagkatiwala ang kuwento nina Glory at Nico.

Mapapanood na ang “Glorious” simula ngayong Nob. 17, Sabado, 12:01 a.m., sa iWant (digital platform ng ABS-CBN). Kaya mag-download na kayo ng iWant app sa inyong mga gadgets.

Promise, hindi kayo magsisisi kapag pinanood niyo ang first ever digital movie ng Dreamscape. Dito, muli kayong maniniwala sa true love at sa true lust!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At huwag muna kayong aalis after ng movie dahil may ilang eksena pa after ng closing credits.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending