Raymart, Keempee goodbye GMA 7 na rin; Kapamilya na
DALAWANG former Kapuso actor ang Kapamilya na ngayon at mapapanood na rin sa ABS-CBN “Family Is Love” station ID.
Ang una ay si Raymart Santiago na 18 ding naging Kapuso. Ayon sa aktor, tinanggap niya ang offer ng ABS-CBN dahil hindi niya matanggihan si Judy Ann Santos na makakatrabaho niya uli sa seryeng Starla.
“Siyempre, sino ba namang tatanggi ‘pag kinuha ni Judy Ann Santos, ‘di ba? In-offer sa akin ‘yung show. Nagpaalam naman ako (sa GMA),” aniya.
Samantala, Kapamilya na rin ang dating Eat Bulaga host na si Keempee de Leon na halos 16 years ding nagtrabaho sa GMA. Isa si Keempee sa mahigit 400 celebrities na kasama sa Christmas station ID ng ABS-CBN.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kimpoy ng selfie photo suot ang #FamilyIsLove shirt na ginamit sa shoot ng Kapamilya Station ID. Nilagyan niya ito ng caption na, “Abs-Cbn Station ID shoot #FamilyisLove Thank you@abscbn.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.