Bernadette Sembrano naging instant alalay ni Eddie Garcia | Bandera

Bernadette Sembrano naging instant alalay ni Eddie Garcia

Ambet Nabus |November 16,2018
facebook
share this

Bernadette Sembrano naging instant alalay ni Eddie Garcia

Ambet Nabus - November 16, 2018 - 12:35 AM


NAKAKATUWANG pagmasdan ang mahigit 400 Kapamilya stars and executives ng ABS-CBN na nagsama-sama last Sunday sa Dolphy Theater para sa taunang Christmas Station I.D. ng network.

Walang sikat-sikat that time dahil behave ang lahat sa pagsunod sa mga instructions ng mga nagpatakbo ng station ID shoot this year.

Nakakaaliw nga sina Kabayang Noli de Castro at Manong Ted Failon na sa tinagal-tagal na raw sa industriya ay hindi pa rin nasasanay sa “call time.”

“As early as 2 p.m. ay nandu’n na sila, pero mga 5 p.m. na sila nakunan. Kaya patambay-tambay sila sa mga opisina at nagre-request ng retouch dahil ayaw daw nilang magmukhang alalay ng mga artista,” ang natatawang tsika ng isang nakasalubong namin.

“Hindi naman sila maka-complain dahil marami na ring ibang artista at executives na naghintay din sa iba at sa mabilisang set-up dahil may kani-kaniya nga silang lugar at kagrupo para sa shoot,” hirit pa ng isang taga-special projects na in-charge din sa shoot.

Kahit nga si Bernadette Sembrano-Aguinaldo ay nagawang maging “personal alalay” ni Manoy Eddie Garcia, at ‘yung iba pang executives ay umalalay din sa mga senior stars, na nag-enjoy din habang kinukunan.

Tiyak na pag-uusapan at magiging Kapamilya na naman ng sambayanan ang naturang produkto na very soon ay mapapanood na ng milyun-milyong Kapamilya viewers. Congratulations!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending