Baron tagumpay sa pagbabagong-buhay, may negosyo na sa Cebu | Bandera

Baron tagumpay sa pagbabagong-buhay, may negosyo na sa Cebu

|November 12,2018
facebook
share this

Baron tagumpay sa pagbabagong-buhay, may negosyo na sa Cebu

- November 12, 2018 - 12:10 AM

BARON GEISLER

POSITIBO ang mga komento ng mga netizens sa ipinakikitang pagabago ng magaling na aktor na si Baron Geisler.

Marami ang nagdarasal na sana’y tuloy-tuloy na ang magandang buhay ng binata matapos masangkot sa kung anu-anong issue noong kasagsagan ng kanyang pagiging alcoholic.

Natutuwa ang kanyang mga social media followers sa mga insipiring posts ng aktor. Bukod sa pagbibigay niya ng importansya sa kanyang spi-ritual life ay isa na rin siyang “life coach” para sa mga kabataan.

Makikita sa Instagram account ni Baron ang ilang events na dinaluhan niya para ibahagi ang kanyang ginawang pagbabago sa kanyang buhay para ma-inspire ang mga kabataan na talikuran na ang mga bisyo. Isa rin sa layunin ni Baron ay para na rin makatulong sa suicide prevention.

Nito lang nakaraang Biyernes, ibinahagi ni Baron sa kanyang IG followers ang pagharap niya sa napakaraming estudyante ng Digos City National High School at muling nagkuwento ng mga pinagdaanan niya sa buhay at kung paano niya napagtagumpayan ang mga pagsubok.

Bago ito, isa rin siya sa mga naging key speaker para sa Suicide Prevention Symposium kamakailan.
Ibinalita rin ni Baron na pinasok na rin niya ngayon ang pagnenegosyo, bubuksan na next week ang kanyang Gents Barber shop sa Cebu sa tulong na rin ng mga kaibigan niyang negosyante.

Ang ipinagdarasal ngayon ng kanyang fans, sana raw ay mabigyan uli siya ng chance sa mundo ng showbiz dahil sayang daw ang kanyang talento sa pag-arte kung hindi mapakikinabangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending