Ikapitong panalo asam ng UP Fighting Maroons vs UST Tigers | Bandera

Ikapitong panalo asam ng UP Fighting Maroons vs UST Tigers

Melvin Sarangay |November 09,2018
facebook
share this

Ikapitong panalo asam ng UP Fighting Maroons vs UST Tigers

Melvin Sarangay - November 09, 2018 - 08:04 PM


Mga Laro Sabado (November 10)
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. Adamson vs UE
4 p.m. UST vs UP
Team Standings: Ateneo (10-2); Adamson (9-3); La Salle (8-4); FEU (6-6); UP (6-6); UST (5-7); NU (3-9); UE (1-10)

MAKUHA ang krusyal na ikapitong panalo ang hangad ng University of the Philippines Fighting Maroons sa pagsagupa sa University of Santo Tomas Growling Tigers sa kanilang UAAP Season 81 men’s basketball game ngayong  Sabado sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Manggagaling sa tatlong sunod na panalo, makakatapat ng Fighting Maroons ang Tigers dakong alas-4 ng hapon sa krusyal na laban na magdedetermina sa tsansa ng dalawang koponan na makapasok sa Final Four.

Tangan ang 6-6 record katulad ng Far Eastern University Tamaraws, maitatapak ng UP ang isang paa sa susunod na round kung magwawagi kontra UST at mabibigo ang FEU laban sa National University Bulldogs ngayong Linggo.

Simple naman ang misyon ng UST at ito ay magwagi para manatiling palaban.

Nalagay sa alanganin ang tsansang makapasok sa Final Four ng Tigers matapos itong matalo sa Adamson University Soaring Falcons noong Miyerkules.

Subalit kung magwawagi sila sa Fighting Maroons may laban pa sila para sa Final Four bagamat kailangan nilang magwagi kontra Ateneo de Manila University Blue Eagles sa Miyerkules para sa pagkakataong makausad sa susunod na round.

Makakaharap naman ng Soaring Falcons sa unang laro ganap na alas-2 ng hapon ang University of the East Red Warriors, na napatalsik na sa labanan para sa Final Four.

Krusyal din ang laro para sa Adamson dahil kung mananalo sila ay masisiguro ng Falcons ang isa sa twice-to-beat advantage sa playoff round.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending