Pagkamatay ni Kiray Celis sa 'Class of 2018' pinalakpakan | Bandera

Pagkamatay ni Kiray Celis sa ‘Class of 2018’ pinalakpakan

Reggee Bonoan - November 08, 2018 - 12:05 AM

KIRAY CELIS

NASA Trinoma Mall kami nitong Martes ng gabi para sa premiere night ng “Class Of 2018” at dahil napaaga kami ng dating ay nakitsika muna kami sa mga takilyera.

Sumilip din kami sa loob ng mga sinehan pero hindi na namin babanggitin kung anong mga pelikula ang ipinalalabas dito pero talagang mabibilang lang sa mga daliri ang nanonood.

At timing naman na paglabas ng mga tao sa isang cinema ay may showbiz personality kaming nakita na may kausap at narinig naming nagsabi ng, “Ano ba ‘yun flopsina!”

Ang sabi namin, baka kasi iba ang crowd sa Trinoma Mall dahil nu’ng mag-check kami kahapon ay palabas pa rin sa lahat ng SM Cinemas ang nasabing movie maski na may mga bago nang palabas.

Going back to “Class Of 2018”, umabot pala sa 150 cinemas nationwide ang nakuha nito at naniniwala naman kaming mababawi ng T-Rex Entertainment ang puhunan nila at may tubo pa dahil base sa premiere night ay napakarami palang supporters ng bawa’t artistang kasama sa pelikula.

Nabingi kami sa kasisigaw ng fans kapag ipinapakita sa malaking screen ang mga sinusuportahan nilang member ng cast lalo na ‘yung mga baguhan na hindi pa namin nakikilala.

Siyempre hindi naman nagpatalo ang supporters nina Nash Aguas, Kristel Fulgar, Sharlene San Pedro, CJ Novato, Kiray Celis at Michelle Vito dahil kanya-kanya rin sila ng style ng pagpapakita kung paano nila nagustuhan ang pelikula.

Bukod sa suspense-thriller ang “Class Of 2018” ay may mga comedy scenes din dito para siguro mabalanse ang gulat factor para hindi mawalan ng boses ang mga matatakutin at magugulatin sa kasisigaw.

Nakakabuwisit din ang karakter ni Kiray dahil sa simula pa lang ay kinaiinisan na siya, pabida at pabebe kasi ang atake niya bukod pa sa napakadaldal. Pero sa bandang ending ay mamahalin mo rin pala siya.

Kaya naman nang mamatay ang karakter ng bulilit aktres ay palakpakan ang mga katoto. Ha-hahaha!

Umaalingawngaw naman ang boses ni Kristel sa kabuuan ng pelikula at paastig din ang drama niya para mapagtakpan ang kanyang insecurities. Mula sa pagiging mean girl ay sinubukan niyang magbago para maituwid ang kanyang mga pagkakamali.

Parang nakulangan naman kami sa acting ni Nash na malayo sa ipinakita niyang husay sa seryeng The Good Son. Nag-expect kasi kami ng highlight niya sa pelikula pero natapos ito nang walang nagmarka sa amin.

O, baka naman sinadya talaga ng direktor nilang si Charliebebs Gohetia na hindi bigyan ng markadong eksena ang binata dahil baka matabunan niya ang ibang mga kasama niya sa “Class Of 2018.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa magbabarkada na gustong magtakutan at magsisigaw sa loob ng sinehan ang “Class Of 2018” at sigurado kami na mag-eenjoy dito ang mga millennial dahil sa tema ng kuweto at mga dialogue ng bawat karakter na isa-isang namatay dahil sa isang experiment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending