Ryan balik-Eat Bulaga, sumabak agad sa Sugod Bahay

By Jun Nardo November 07,2018
share this

Ryan balik-Eat Bulaga, sumabak agad sa Sugod Bahay

By Jun Nardo November 07,2018
share this

RYAN AGONCILLO

Maraming natuwa sa pagbabalik ni Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga. Matagal-tagal ding hindi napanood ang TV host sa noontime show ng GMA 7.

Last Monday muling nag-report si Ryan sa show at agad sumabak sa “Juan For All, All For Juan” kasama sina Paolo Ballesteros at Wally Bayola.

Nag-post ang talent manager na si Noel Ferrer ng screenshot ni Ryan sa Instagram habang nasa Sugod Bahay na may caption na, “Ayos na ang butu-buto! Welcome back Dabarkads @ryan_agoncillo!!!”

Matatandaang nag-leave muna si Ryan sa EB para pagalingin ang kanyang tuhod na napuruhan sa isang aksidente.

Libu-libo ang nagpahatid ng pagbati kay Ryan sa pagbabalik niya sa EB.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending