Maraming may katok sa ulo sa gobyerno | Bandera

Maraming may katok sa ulo sa gobyerno

- January 14, 2010 - 01:47 PM

“Target ni Tulfo” ni Mon Tulfo

TATLO sa 10 nagtatrabaho sa gobyerno ay may katok sa ulo at kailangan ng psychiatrist, ayon sa pag-aaral na ginawa ng Department of Health. Kung isinama pa ang mga opisyal ng gobyerno baka lumaki pa ang dami ng may “eng-eng.” Pagmasdan mo ang inaasal ng ilang kongresista, mga local officials at mga pulis at masasabi mo na may dipersensiya sila sa utak. Tingnan mo na lang ang ginawa ng mga Ampatuan; gawain ba ng matinong tao ang pumatay ng 57 katao na wala namang mga kasalanan? Tingnan mo na lang yung mga padrino ng mga Ampatuan; matino ba ang pag-iisip ng mga ito na armahan ang mga Ampatuan kahit na alam nila na baliw ang mga ito? Tingnan mo na lang itong si Pangulong Gloria na tumatakbo pagka-kongresista sa Pampanga samantalang naabot na niya ang tugatog ng puwesto sa gobyerno. Di hamak na mababa ang puwesto ng congresswoman kesa presidente ng bansa, pero tumatakbo ngayon si Aling Gloria para kongresista ng Pampanga. Nang ang termino nina Pangulong Cory at Pangulong Fidel, naging Citizen Cory at Citizen Fidel na lang sila at kontento na lang na tawaging “statesmen.” * * * Kahit na anong batikos ang gawin kay Pangulong Gloria tungkol sa kanyang pagtakbo bilang kongresista sa kanyang probinsiya ay bale-wala sa kanya. Hindi rin niya pinapansin ang mga resulta ng mga survey na nagsasabing siya ang the most unpopular and most hated president that this country has ever had. Si GMA ba ay may sariling mundo na wala siyang pakialam kung ano ang sinasabi sa kanya ng kanyang kapwa? * * * Nagbalik Palasyo si dating Pangulong Erap nang dumalo ito sa National Security Council meeting kung saan napag-usapan ang mga private armies. ”That’s destiny,” sabi ni Erap sa muli niyang pagtuntong sa Malakanyang siyam na taon matapos siyang patalsikin ng People Power II. Kung naging matino lang si Erap noong nasa puwesto siya hindi sana siya napatalsik. Sinayang ni Erap ang kanyang mataas na puwesto sa kanyang labis na paglalasing at pambababae. Okay lang sana kung alalay lang ang kanyang pag-inom at di masyadong bulgar ang kanyang pambababae, pero di niya iginalang ang kanyang mataas na puwesto. Ngayon ay tatakbo na naman siya dahil di raw niya natapos ang pagiging Pangulo. Matapos niyang binastos ang presidency may gana pa siyang tumakbo upang bumalik? Aba’y matino ba ang kanyang pag-iisip? * * * Ang Ladlad, ang samahan ng mga bading at tomboy, ay pinayagan ng Supreme Court na sumali sa eleksyon. Bakit pa kinakailangan na magkaroon ng partido ang mga bakla at tomboy samantalang maraming “alanganin” sa Kamara de Representantes at Senado? Meron nga diyan na tomboy at nag-asawa ng bakla upang masabi lang na siya’y normal. Pero patuloy pa rin ang pambababae ni tomboy at tuloy pa rin ang panlalalaki ng kanyang esposo. Both of them are happy. * * * Sabi ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. tutulungan siya ni Allah upang mapawalang-sala. Si Ampatuan ay kinasuhan ng multiple murder dahil sa umano’y kasama siya sa pagpatay ng walang awa ng mga 57 katao kasama ang 30 journalists. Naalala ko tuloy ang isang dating mayor ng Laguna, na ngayon ay nakakulong na sa National Penitentiary sa salang rape with homicide. Nagdadasal daw muna at humihingi ng pahintulot kay “Mama Mary” upang ipa-salvage ang mga kriminal sa kanyang bayan. Pinapayagan naman daw siya ng Mahal na Birhen upang patayin ang masasamang-loob sa kanyang bayan.

BANDERA, 011410

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending