Aktres laging sambakol ang mukha, ibang-iba kay sisteraka

By Cristy Fermin November 07,2018
share this

Aktres laging sambakol ang mukha, ibang-iba kay sisteraka

By Cristy Fermin November 07,2018
share this

SABI ng mga miron ay may bago na namang miyembro ang Simang family.

Sila ang mga artistang palaging nakasimangot, parang pasan-pasan nila ang lahat ng problema ng mundo, kaya hirap na hirap silang magtapon ng ngiti.

Isa siyang young actress na kung ilarawan ng kanyang mga kasamahan ay parang palaging kumikirot ang ngipin dahil sa sobrang pagsimangot.

Kuwento ng isang source, “Naku, mahirap ispilengin ang ugali ng babaeng ‘yun! Mabuti pa nga ang bagyo at may pahimakas kung kailan darating, pero ang babaeng ito, palaging sambakol ang face!

“Parang palagi siyang pinagtatampuhan ng kapalaran. Parang okey na sa kanya ang ganu’n na sarili lang niya ang kausap niya, saka ang alalay niya!

“Mahirap kapain ang ugali niya, napakalayo niya sa kadugo niyang artista rin na palaging masaya at ma-PR!” simulang kuwento ng aming impormante.

May nagtanong nga sa piloto ng young actress kung nakita na ba nitong nakangiti o tumatawa ang kanyang boss. Isang napakalakas na iling lang ang naging sagot ng kanyang driver.

Patuloy na chika ng aming source, “Alam n’yo naman ang mga dribam, meron silang asosasyon habang naghihintay sa mga bossing nila, di ba? Sila-sila ang nagkukuwentuhan.

“Natural, nagtataka ang mga drivers ng ibang artista kung ano ang buhay niya sa maghapon. Palagi ba siyang ganu’n na nakasimangot lang?

“May-I-ask nila siyempre ang piloto ng girl kung kumusta naman sila kapag magkakasama. Ang sagot lang ng driver, e, napakalakas na pag-iling! Wala siyang masabi, wala siyang maikuwento, kasi nga, e, hindi naman siya kinakausap ng artistang ipinagmamaneho niya!

“True! Ang PA lang niya ang kinakausap ng simanguterang young actress! Napakalayo niya sa kanyang sister act na sobrang masayahin naman at napakagandang makisama.

“Hindi kaya lumaki ang babaeng ito na palaging mga kangaroo lang ang kalaro niya? Kulang na kulang siya sa interaction sa mga katrabaho niya!

“Parang dinadala niya ang mga problema ng mundo sa kasisimangot niya! Naku, pangaralan n’yo ang babaeng ‘yan, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday!

“Nasa Pilipinas na siya, wala na siya sa land down under, ha?” nakataas ang kilay sa tenth floor na chika pa ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending