‘Dila’ ni Tony Labrusca bentang-benta

By Ervin Santiago November 07,2018
share this

‘Dila’ ni Tony Labrusca bentang-benta

By Ervin Santiago November 07,2018
share this

ANGEL AQUINO AT TONY LABRUSCA

Grabe ang naging epekto sa madlang pipol ng trailer ng “Glorious”, ang unang digital movie ng Dreamscape Entertainment starring Angel Aquino and Tony Labrusca.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, nasa 8.5 million views na ang trailer ilang araw lang matapos itong i-upload sa Facebook. Kahit ang ilang kilalang celebrities ay nagulat sa pinaggagawa nina Angel at Tony sa movie.

Viral na rin ang photo ng dalawa kung saan makikita ang kanilang torrid kissing scene na ginawan agad ng sandamakmak na memes ng mga netizen. Karamihan sa mga nagkomento rito ay inggit na inggit kay Angel at nagsabing sana sila na lang daw ang aktres para matikman din nila ang palabang mga labi at dila ni Tony.

Sa kanyang Instagram naman, nag-thank you si Angel sa lahat ng nag-like at nag-comment sa trailer ng movie nila.

“Sarap naman to wake up to this wonderful news !!! Thanks to everyone who got curious! Thanks all for the generous compliments and support!” post ng aktres sa IG.

Ibinalita naman ni Tony sa Instagram na mapapanood na ang “Glorious” sa IWant App sa Nov. 17, na idinirek ni Connie Macatuno.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending