Carlo naka-jackpot uli sa showbiz; may pelikula na, may concert at album pa | Bandera

Carlo naka-jackpot uli sa showbiz; may pelikula na, may concert at album pa

Bandera |October 31,2018
facebook
share this

Carlo naka-jackpot uli sa showbiz; may pelikula na, may concert at album pa

Bandera - October 31, 2018 - 12:15 AM

CARLO AQUINO

NAPAKASWERTE ni Carlo Aquino dahil nabigyan siya ng ikalawang pagkakataon sa mundo ng showbiz matapos mawala sa limelight nang sapitin ang tinatawag na “awkward age”.

Inamin ng aktor na hindi na niya inasahan na muling magiging in demand bilang leading man at maibalik ang kasikatang tinamasa noong child star pa lang siya. In fairness, talagang maingay ang pangalan niya ngayon at isa na rin sa mga tinitilian ng madlang pipol, kabilang na ang mga millennials.

Natanong si Carlo sa presscon ng concert nila ni Matteo Guidicelli na “Matteo X Carlo” kung anong feeling ng pagkakaroon ng “second coming” sa showbiz?

“Yun ang maganda sa pagkakataon, eh. Habang nabubuhay ka hindi naman nawawala yon, patuloy na dumarating yan. Nasa sa iyo na lang yon kung iga-grab mo ba o hindi,” tugon ni Carlo.

“Winelkam ko yung chance. Pero kung noon naiisip ko na magkakaroon ng mga ganito, hindi,” aniya pa.
Napakalaki raw ng utang na loob ni Carlo sa mga producer na sumugal sa kanyang previous projects. At siyempre, napakalaki rin daw ng naitulong ni Angelica Panganiban sa muling pagbongga ng kanyang career lalo na’t certified blockbuster ang movie nilang “Exes Baggage.”

“Oo naman. Siyempre, pasasalamatan ko si Angge. Marami akong pasasalamatan at hindi lang si Angge yon. Hindi ako matatapos dahil kaya ako nandito nagsasalita sa inyo kasi dahil sa kanila yon,” sey ng binata.

Bukod sa pelikula, babalikan din ni Carlo ang isa pa niyang love, ang pagkanta, “Isa rin talaga sa passion ko is yung singing. Parte ng buhay ko talaga ang musika. Meron na akong gagawin (album) sa Ivory Music.”

Sasabak na rin sa concert scene si Carlo at nakipag-collaborate pa siya kay Matteo para sa pagbabalik niya sa stage, ito ngang :Matteo X Carlo” na gaganapin sa Music Museum on Nov. 17.

“Oh, di ba, magko-concert na rin ako. Ha-hahaha! Seriously, gusto ko rin talagang mag-perform at kumanta. Bata pa lang ako, hilig ko na talaga yon. Nawala lang nung nag-concentrate na ako sa acting, pero gusto ko rin talagang balikan yon, yung kumanta at mag-perform,” sey ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending