Alessandra muntik nang mamatay habang nagsu-shooting sa Iceland
IPINAGMAMALAKI ni Alessandra de Rossi ang bago niyang pelikulang “Through Night & Day”. Istorya raw niya ito na ipinasulat niya sa kaibigang Noreen Capili na kilalang scriptwriter ng mga programa ng ABS-CBN.
Ayon kay Alex, ibinigay daw niya ang lahat-lahat para sa pelikula, “Pag sinabi kong worth watching ito, totoo and I hope may credibility ako sa sinabi ko, pero totoo, maganda ‘tong movie.”
Isa pang dahilan kaya nasabi ni Alessandra na ibinigay niya ang lahat ng kakayahan niya sa “Through Night & Day” ay dahil muntik na siyang mamatay dahil sa low body temperature o hypothermia.
“Naisip ko nu’ng time na ‘yun na, ‘My God mamamatay ako, Lord! Puwede bang paabutin mo kami sa Baguio kasi may eight days pa kami (shooting), doon,” pabirong sabi ng aktres.
Sa Iceland kasi kinunan ang unang bahagi ng pelikula at sa Baguio naman ang ikalawa kaya talagang extreme raw ang weather na naranasan nila, super lamig at minsan super init kaya naisip talaga ni Alex na posibleng namatay siya ng mga sandaling iyon.
“Hindi ko na kasi ma-control ‘yung katawan ko as in nagsi-shake na, hindi na mahubad ‘yung suot kong basa, tapos niyayakap lang nila ako ng kumot, tapos lahat ng body heat nila ibinibigay nila sa akin kasi feeling nila mamamatay na ako.
“Tapos hinahabol ko pa ‘yung hininga ko. Parang may gumanap talaga sa lungs ko (nakabara kaya nahirapang huminga), my God! Ganito pala ang feeling nang malapit ng ma-tegs (tegi/patay), so ‘yun, after nu’ng nasuot ko ‘yung damit ko tapos nanginginig pa rin ako, nakalimutan ko ‘yung joke ko, e, tapos sabi nila (co-actors, staff and crew), ‘okay she’s back.’ It almost killed me but I’m still alive,” kuwento ni Alex.
Walang trauma si Alex para hindi ulit gumawa ng ganitong klase ng pelikula, “Game pa, ako pa? Buwis buhay ako, basta walang love scene at kissing scene!”
Hanggang ngayon ay bawal pa ring makipag-kissing scene at love scene ang dalaga, “Backless na lang (kunan n’yo),” sabay talikod na sabi ng aktres.
Si Paolo Contis ang leading man ni Alessandra sa “Through Night & Day” at komedyante rin ang aktor tulad ni Empoy Marquez ay natanong ang dalaga kung paano niya ikukumpara ang dalawa.
“Comparison, si Empoy very conservative, si Paolo, ‘Paolo naman, ‘yung mga lumalabas sa bibig mo!’ Iba talaga ‘yung humor niya. Nakakatawa siya pag ibang tao ang nagsabi no’n, baka ma-offend ka but since si Paolo ‘yun, ‘nakakatawa ka, buti na lang hindi ako nababastos.’
“Ganu’n siya talaga, ganu’n ang humor niya, hindi ako napipikon kasi alam kong joke lang, hindi naman siya bastos na tao talaga. Ako rin kaya kung mag-joke ng bastos minsan, pero kailangang kilalang-kilala ng mga tao ‘yung heart and soul ko bago ako mag-joke ng ganu’n, just for laughs, ganu’n,” paliwanag ng aktres.
Samantala, pahinga muna ngayon si Alessandra sa teleserye dahil magko-concentrate muna siya sa pelikula at higit sa lahat, nagkaroon siya ng tampo sa naging karakter niya sa katatapos na seryeng Since I Found You kasama sina Piolo Pascual, Empoy at Arci Muñoz mula sa Dreamscape Entertainment. Hindi raw kasi nasunod yung unang plano sa kanyang role.
“Sa ngayon wala, magpapahinga muna ako, gusto kong maging reporter charot! Sa CNN charot!” birong sabi ng dalaga.
Seryosong kuwento ni Alessandra, “Nu’ng in-offer siya sa akin, leading lady talaga. Sabi ko, ‘bago ‘to ah, try nga natin.’ ‘Yun nga, naging tagaabot ako ng kape at papel kay Papa P, so masaya naman ako na natapos na ‘yung show.
“I don’t know kung ano ‘yung nakarating na tampo and all, but hindi ‘yun ang in-offer sa akin, kung alam ko na mag-aabot lang ako ng kape, ginawa ko na ito (Through Night & Day) kasi naghihintay nga ‘tong movie na ito.”
Tinanong namin kung hindi ba niya kinausap ang management tungkol sa ibang role, “Tapos na nu’ng sinabi sa akin, three weeks to go na lang, so kung sinuman nagsulat (script) no’n, sana malinawan ka na kasi medyo na-hurt ako sa sinabing ‘sana magbago ang attitude ko kasi may attitude ako na parang tipong umasa ako, pinaasa talaga ako. Ha-hahaha! Ganu’n po ‘yung pakiramdam na akala mo kayo, pero magiging friends lang pala kayo, ‘yung ganu’n?
“Ako naman talaga walang isyu as in wala naman talagang isyu sa akin, gusto ko na kasing gawin ito (pelikula). Alam ni Papa P, sabi nga niya, ‘professional tayo wala namang isyu du’n.’”
Showing na ang “Through Night & Day” sa Nob. 14 mula sa Viva Films at OctoArts Films, sa direksyon ni Ronnie Velasco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.