Magkano kaya ang dagdag sahod? | Bandera

Magkano kaya ang dagdag sahod?

Alan Tanjusay - October 30, 2018 - 12:10 AM

MAGSISIMULANG mag-usap ang wage board kung magkano ang wage increase para sa National Capital Region umpisa October 22 hanggang October 26.

May P320 wage increase petition ang inihain sa board mula pa noong Hunyo, o noong lumagpas na sa 5 percent ang inflation rate at nagtaasan na ang presyo ng bigas, isda, karne at mga gulay sa mga palengke.

Hindi man pwedeng mag-file ng petition dahil sa October 6, 2018 onward pa maaring maghain ng petisyon para sa dagdag sahod, e, bumagsak na ng malaki ang buying power ng sahod, kaya walang magawa ang board kundi tanggapin ang petition.

Binubuo ng 7 miyembro ang board—Department of Labor and Employment as chairman, Department of Trade and Industry, National Economic Development Authority at four members from labor and employers groups.

The board will determine the inflation rate and balance the interests of workers and employers by calculating the buying power of current wage rate and the capacity of micro, small, medium and big enterprises to pay the amount of increase.

Dalawang hearing ang gagawin — sa Oct. 24 at 26. So, by the end of the month, malalaman na natin kung magkano ang wage increase.

Nauna nang nagsabi ang DOLE na hindi bababa sa P20 ang maaring ibigay. Ang sabi ng gobyerno, hindi pwedeng magbigay ng substantial wage increase dahil magdudulot ng pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ang sabi naman ng mga employers, maraming malulugi at magsasara na mga kumpanya kapag ibinigay a ng substantial wage hike.

Therefore, maraming manggagawa ang mawawalan ng trabaho.

Last year though normal ang inflation rate, P21 ang wage hike.

Magkano sa tingin ninyo ang taas sahod?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending