Darren Espanto kay JK Labajo: Sa korte na lang tayo magkita! | Bandera

Darren Espanto kay JK Labajo: Sa korte na lang tayo magkita!

Ervin Santiago - October 23, 2018 - 05:50 PM

DARREN ESPANTO AT JK LABAJO

“SA korte na lang tayo magkita!” Ito ang matapang na pahayag ni Darren Espanto laban sa kanyang batchmate sa The Voice Kids noon na si JK Labajo.

Nagsimula ang away ng dalawa sa tweet ni JK o Juan Karlos na “gayness at its finest” patungkol kay Darren. Mariing pinabulaanan ni JK na siya ang nag-tweet at sinabing posible raw na-hack ang kanyang Twitter account.

Hindi naniniwala si Darren sa sinabi ni JK at hinamon pa itong hanapin ang taong nang-hack sa account niya para magkaalamanan na kung sino ang totoong bakla.

Muling nag-tweet si Darren kaninang umaga at itinag pa si JK. Aniya, “Hindi ako lalaban sa ‘yo pagdating sa bastusan kasi alam ko naman na bastos ka gaya ng sabi mo.
“Wag mo rin sasabihin na tinuring mo akong kapatid nung The Voice kasi ang plastic nun. Sa korte na lang tayo magkita kung di ka masyadong busy. Sikat mo na eh, ‘brother’!”

Samantala, hindi rin pinalampas ni Darren ang mensahe ng isang basher na diretsong nagsabi na isa siyang “bakla.” Tweet ni @grbnrlns, “Eh bakla k naman talaga diba?”

Ito naman ang resbak ng Kapamilya singer, “May gender identity issues ka diba? Wag mo akong itulad sa’yo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending