Angeline: Habang buhay kong tatanawing utang na loob kay Ms. Regine kung nasaan ako ngayon! | Bandera

Angeline: Habang buhay kong tatanawing utang na loob kay Ms. Regine kung nasaan ako ngayon!

Julie Bonifacio |October 23,2018
facebook
share this

Angeline: Habang buhay kong tatanawing utang na loob kay Ms. Regine kung nasaan ako ngayon!

Julie Bonifacio - October 23, 2018 - 12:50 AM

ANGELINE QUINTO, REGINE VELASQUEZ AT OGIE ALCASID

SAGLIT naming nakatsikahan si Angeline Quinto bago sumalang sa opening number ng Star Awards for TV recently.

Happy siya sa paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN and excited at the same time na makasama ang Songbird sa ASAP.

Sa kanyang Instagram account, may ipinost na picture at mensahe si Angeline kasama si Regine na kuha sa mga una niyang concert. Si Regine raw ang dahilan kung bakit mas naging malakas ang kanyang loob para mangarap.

“Sayo lahat nagsimula Ms. Reg. Lahat ng kung anong meron po ako ngayon, at kung nasaan man po ako ngayon, isa po kayo sa dahilan ng lahat ng ito. Habang buhay ko pong tatanawing malaking utang na loob sa inyo ang inspirasyong ibinigay niyo sa akin simula nung nagsisimula akong kumanta hanggang ngayon. Mahal na mahal ko po kayo Ms. Reg. I LOVE YOU SONGBIRD,” caption ni Angeline sa kanyang IG photo.

Sa huling post ni Angeline ay magkasama na sila ni Regine sa Sydney, Australia para sa kauna-unahang appearance ni Songbird bilang Kapamilya star.

Sa post din na ‘yun ni Angeline, ‘di rin siya nakaligtas sa panlalait ng mga basher. May nagsasabi na kesyo nai-insecure siya sa paglipat ni Regine at maeetsapwera na raw siya at ang iba pang birit queens sa Dos.

But at the same time, marami naman ang naglu-look forwad sa pagsasama nina Regine, Angeline at Sarah Geronimo sa isang production number sa ASAP.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending