Utol laban sa utol: Jinggoy dedma sa mga reklamo ni JV | Bandera

Utol laban sa utol: Jinggoy dedma sa mga reklamo ni JV

Cristy Fermin - October 23, 2018 - 12:45 AM

JV EJERCITO AT JINGGOY ESTRADA

Iba talaga ang nagiging epekto ng pulitika maging sa magkakadugo. ‘Yun ang talagang walang kapa-kapatid, walang kumpa-kumpare, dahil sa ngalan ng kapangyarihan ay umuusbong ang mga hidwaan.

Sa Makati ay hating-hati ang mga botante, okey lang sana kung may kani-kanyang paksiyon ang magkatunggali, ang masakit ay magkapatid ang mag-aagawan ngayon sa kapangyarihan sa lunsod.

Maging ang magkapatid na dating Senador Jinggoy Estrada at Senator JV Ejercito ay sentro ng pagpipista ngayon. Maraming angal ang kasalukuyang senador laban sa kanyang kapatid.

Maraming naaangasan kay Senator JV, may kadulasan kasi ang dila ng pulitiko, pati mga personal na isyu ay ibinabato nito sa kanyang kapatid na tatakbo uling senador.

Sabi ni prop, “Matatalo ‘yang si Senator JV, tinatandaan ng mga kababayan natin ang mga pinagsasasabi niya. Kahit nga sa mismong tatay niya, e, meron siyang reklamo!

“Tama lang ang ginagawang pangdededma sa kanya ni Senator Jinggoy, tama ang ikinakatwiran niya na kahit ano pa ang sabihin against him ni Senator JV, e, magkapatid pa rin sila sa ama.

“Panalo ‘yun! Hindi pa naman madaling kagaanan ang face ni Senator JV, kumbaga sa movie, e, kontrabida ang itsura niya!” napapailing na sabi ng kaibigan naming propesor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending