Mike Enriquez balik-trabaho matapos operahan sa puso | Bandera

Mike Enriquez balik-trabaho matapos operahan sa puso

Jun Nardo |October 23,2018
facebook
share this

Mike Enriquez balik-trabaho matapos operahan sa puso

Jun Nardo - October 23, 2018 - 12:35 AM

MIKE ENRIQUEZ

Ikinatuwa ng mga Kapuso viewers ang muling pagharap ni Mike Enriquez sa publiko as ginanap na Eleksyon 2019 Memorandum of Agreement signing kamakailan sa GMA 7.

Ilang linggo ring nagpahinga ang award-winning broadcast journalist matapos sumailalim sa heart bypass surgery.

“Natanong ako kung kaya ko na mag-host. So, naisip namin, ito ang magandang pagkakataon na lumabas na ako sa publiko. Lalo pa ngayon magkakaroon ng eleksyon sa susunod na taon. Mas lalong importante ang pagpapalaganap ng totoong balita. Kaya pupuntiryahin at pupuspusan nating gagawin.

“Sinasagad ko ang pagpapagaling ko at pagpapalakas ko. Para sa pagbabalik ko sa himpapawid, sa normal na trabaho, ay tuloy-tuloy na,” aniya sa isang TV interview.

Nagbigay din siya ng message para sa lahat ng mga nagdasal at patuloy na sumusuporta sa kanya, “Ang maisusukli ko lang po sa inyo ay ang pagpapalakas po ng aking kalusugan, para lalo po kaming makapaglingkod sa inyo. Para sa inyo po ang lahat ng ito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending