2 maghahati sa P1.1B jackpot ng Ultra Lotto 6/58

October 14,2018
share this

2 maghahati sa P1.1B jackpot ng Ultra Lotto 6/58

October 14,2018
share this

IKAW ba ang isa sa dalawang nanalo ng P1.1 bilyong jackpot ng Ultra Lotto? Aba’y tingnan na ang iyong tiket.
May nanalo na Linggo ng gabi sa pinakamalaking jackpot prize sa kasaysayan ng lotto sa bansa, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang winning number combination sa bola ay 40, 50, 37, 25, 01, 45. Nagkakahalaga ng P1,180,622,508 ang kabuuang jackpot prize na paghahatian ng dalawang nanalo.

Noon pang Pebrero 18 walang tumatama ng jackpot prize ng Ultra Lotto kaya lumaki na ito. Ito ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending