No winner pa rin sa P1.112-B jackpot ng Ultra Lotto 6/58

By Leifbilly Begas October 12,2018
share this

No winner pa rin sa P1.112-B jackpot ng Ultra Lotto 6/58

By Leifbilly Begas October 12,2018
share this

NANANATILING mailap ang mahigit P1 bilyong jackpot ng Ultra Lotto 6/58 matapos di tamaan ang mga mahihiwagang numero sa ginawang  bola nito Biyernes ng gabi.
Ang winning number combination sa bola ay 28, 14, 54, 50, 17, 27 na may jackpot prize na P1,112,647,388.

Noon pang Pebrero 18 walang tumatama ng jackpot prize ng Ultra Lotto kaya lumaki na ito. Ito ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Sa bola noong Martes, sinasabing mahigit 100 mananaya ang nakakuha ng limang tamang numero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending