PCSO: Wala pong nanalo ng 20 jackpot games in one month
NILINAW ni Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Mel Robles na ang lottery bettor na nanalo ng 20 beses sa isang buwan ay hindi jackpot ang nakuha.
Sa kanyang pahayag nitong Miyerkules, March 13, sibabi nito na puro “low-tier” games ang napanalunan niyo at hindi ang jackpot prizes sa six-digit games.
Matatandaang una nang kinalampag ni Sen. Raffy Tulfo ang ahensya matapos nitong malaman na my isang better na 20 beses nanalo sa loob ng isang buwan.
Kaya naman agad itong naglabas ng pahayag upang linawin ang kasalukuyang isyu laban sa PCSO.
“Wala pong nanalo ng 20 jackpot games in one month. Pero maaaring ang isang tao ay mag-claim nang 20 times, or even more, sa ibang games namin,” pagbabahagi ni Robles sa panayam niya sa GMA News.
Baka Bet Mo: Bettor na 20 beses nanalo sa lotto sa loob ng 1 buwan buking ni Tulfo
Dagdag pa niya, posible rin na may ibang tao tulad ng mga lottery outlet owners ang kumukuha ng mga premyo na napanalunan ng mga nananalo sa PCSO.
Dahil sa ganitong sistema ay maaaring ang kumukuha ng premyo ay ang hindi ang mismong may-ari ng lotto ticket lalo na ang mga taong nananalo sa mga probinsya.
“Kasi ‘yung mga iba walang ID [o kaya] kasi ‘yung iba [ay] physically hindi kaya. So these are regular. Bago pa ako dumating, ganyan na talaga ang practice noon. Paki-claim… ‘Yung claimant ng winning ticket is not necessarily the winner [sa low-tier games],” pagpapaliwanag ng PCSO chief.
Naglabas rin ang ahensya ng official statement ukol sa isyu.
“What Sen. Tulfo apparently failed to notice was that the same list would also show that for jackpot-bearing games like Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55, and Ultra 6/58, there was no winner who won more than once.
“The real issue here therefore is the claimant, and not the number of times that he supposedly won as what Sen. Tulfo seemed to have assumed.
To be clear, the reported 20 claims made by one person does not necessarily make that claimant the winner of 20 Digit Games,” bahagi ng official statement ng PCSO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.