LRT-1 sinimulan ang implementasyon ng 'crowd control scheme' | Bandera

LRT-1 sinimulan ang implementasyon ng ‘crowd control scheme’

- October 13, 2018 - 01:48 PM

SINIMULAN kahapon ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) ang pagpapatupad ng crowd control scheme sa pagsasabing layunin nito na masolusyunan ang siksikan sa ilang station at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero. 

Sa apat na bahaging tweet, sinabi ng pamunuan ng LRT-1 na epektibo ang crowd control scheme mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-4:30 ng hapon hanggang alas-8:30 ng gabi kung saan dagsa ang pasahero.

“Magsasagawa ang LRT 1 ng crowd control para maiwasan ang siksikan sa pagsakay ng tren at mapanatili ang kaayusan at  seguridad ng mga pasahero,” sabi ng LRT-1 sa tweet nito. 

“Mga dapat asahan habang ipinatutupad ang “Crowd Control”: Pansamantalang patitigilin ang mga pasahero sa mga sumusunod na bahagi ng LRT-1 Stations:

a. hagdan

b. AFCS gates or TVMS

c. platform,” ayon pa sa LRT-1. 

LRT

Idinagdag ng LRT-1 na magpapatupad ng ‘limit’ o hangganan sa bilang ng mga pasahero sa bawat platform ng istasyon ng tren maliban sa priority passengers (Senior Citizen, PWD, buntis at may kasamang bata) upang matiyak ang maayos na pagsakay ng lahat ng mga  pasahero.

“Inaasahan namin ang inyong kooperasyon at pang-unawa para sa maayos na pagpapatupad ng “Crowd Control”. Maraming salamat po. Ingat po sa biyahe!” dagdag ng LRT. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending