Mag-asawa pinagtataga sa Iloilo

By John Roson October 11,2018
share this

Mag-asawa pinagtataga sa Iloilo

By John Roson October 11,2018
share this

NASAWI ang 62-anyos na lalaki at kanyang asawa nang pagtatagain ng mga di pa kilalang salarin sa kanilang bahay sa Alimodian, Iloilo, Miyerkules ng gabi.

Nakilala ang mga biktima bilang sina Mamerto Camral at misis niyang si Emma, 63, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police.

Naganap ang insidente pasado alas-8, sa bahay ng mag-asawa, sa Brgy. Umingan.

Pinasok ng mga di kilalang tao ang bahay, at pinagtataga ang mag-asawa sa ulo’t iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending