Jake Zyrus kinakarir ang pagiging hunk

By Bandera October 10,2018
share this

Jake Zyrus kinakarir ang pagiging hunk

By Bandera October 10,2018
share this


Magkakaiba ang reaksyon ng mga netizens sa kumalat na litrato ni Jake Zyrus sa social media habang nagwo-workout sa isang gym.

Sa nasabing litrato nakahubad ng pang-itaas na damit si Jake habang nagpu-push up. Naka-post ito sa Facebook account ng isang StarBecks.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Nagpapaborta na si Jake Zyrus!”

Ayon sa ilang nakakita ng photo, lalaking-lalaki na raw talaga si Jake at hindi na nahihiyang ilantad ang kanyang hubad na katawan. Pero kung may natutuwa at sumusuporta sa ginagawa ni Jake, marami pa rin ang kontra sa pagpapalit niya ng kasarian.

Kung matatandaan, ipinatanggal ni Jake ang kanyang dibdib noong Marso, 2017 dahil ang paniniwala niya, kailangan niya itong gawin para ibandera sa buong mundo na isa siyang lalaki.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending