Pinagsamang kita nina Ate Vi at Sen. Ralph umabot na sa P500M

By Julie Bonifacio October 09,2018
share this

Pinagsamang kita nina Ate Vi at Sen. Ralph umabot na sa P500M

By Julie Bonifacio October 09,2018
share this

VILMA SANTOS AT RALPH RECTO

MAAGANG sumalang si Lipa City Cong. at Star for All Seasons na si Vilma Santos for taping para sa birthday episode niya sa top-rating public affairs program ni Boy Abunda na The Bottomline.

Mahirap kasi makakuha ng schedule ni Cong. Vilma sa rami ng kanyang ginagawa. Kaya kahit isang buwan pa bago ang kanyang kaarawan ay nagpa-schedule na ang The Bottomline sa kanya for guesting. At the same time, nakatakda ring umalis ng Pinas si Kuya Boy para sa isang special speaking engagement sa New York, USA this month. At malamang doon na rin siya magse-celebrate ng kanyang birthday.

Ipalalabas sa mismong birthday ni Cong. Vi ang guesting niya sa The Bottomline on Nov. 3. Nagkaroon naman kami ng chance na tanungin ang actress-politician about her plans sa kanyang kaarawan.

“I might take a short break lang. Pero I might also, gumawa ng parang get together. Magbi-break lang ako ng konti kasi pati kay Ralph (Recto),” sagot niya.

Sa isang Asian country daw nila plano magbakasyon ng ilang araw. At the same time, break din daw that time ng Congress at Senate.

According to Kuya Boy’s report na binanggit niya sa interbyu with Cong. Vi, umabot na sa P500 million ang pinagsamang income nila ni Sen. Ralph.

Sa true lang, kahit ‘di na siya tumakbo sa susunod na halalan at ipagpatuloy na lang ang kanyang pag-aartista, na tiyak ikatutuwa ng mga Vilmanians, super mega okey na si Ate Vi.

“Pero iba rin ‘yung fulfillment. May iba ring kasiyahan na every time I go to Lipa and when I see all the students na may natutulong ako, at mga nanay or senior citizens. Diyos ko, mabigyan mo lang ng financial assistance, laking pasasalamat na nila at pangdagdag pambili ng gamot,” lahad ni Ate Vi.

But once na maramdaman daw niya na hindi na siya pinakikinggan at sinusuportahan ng kanyang constituents, or matanggal siya at palitan ng ibang politiko, okey lang daw sa kanya.

At kung na-reach man ni Cong. Vi ang P500 million status nila ni Sen. Ralph, ‘di naman kataka-taka dahil natuto at marunong nang mag-ingat ng kanyang pera ang Star for All Seasons. Hanggang sa budget niya nang pamalengke na binibigay niya sa kanyang staff ay inaalam niya. Kaya aware rin siya kung gaano na kataas ang inflation rate sa bansa.

“Yung pamalengke ko, marketing ko for one week, hindi ko na sasabihin kung magkano, for one week ‘yun. Imagine, the same presto ng marketing ko four days na lang? E, ‘yung carrots lang, magkano ang itinaas ng presyo? Ginagawa kong juice ‘yung carrot. O, ‘di ba?”

True ka d’yan Cong. Vilma!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending