Derrick Natakot sa mga sex scene nila ni Sanya: Baka bigla niya akong sampalin!!! | Bandera

Derrick Natakot sa mga sex scene nila ni Sanya: Baka bigla niya akong sampalin!!!

Ervin Santiago |October 07,2018
facebook
share this

Derrick Natakot sa mga sex scene nila ni Sanya: Baka bigla niya akong sampalin!!!

Ervin Santiago - October 07, 2018 - 01:05 AM

DERRICK MONASTERIO AT SANYA LOPEZ

Inamin ni Derrick Monasterio na natakot siya nang kunan ang unang sex scene nila ni Sanya Lopez sa pelikulang “Wild And Free” ng Regal Entertainment.

Hindi pa man nagso-showing ang bagong sex-drama movie ng Regal ay usap-usapan na ito sa social media dahil sa kontrobesyal trailer nito. Shocked ang halos lahat ng fans nina Derrick at Sanya dahil sa maiinit nilang eksena sa pelikula. Sa katunayan, kahit nga ang direktor nilang si Connie Macatuno ay bumilib sa iba’t ibang klaseng love scene na kanilang ginawa.

Pero sabi nga ni Derrick nang gawin na nila ni Sanya ang unang sex scene na ipinagawa sa kanila ni Direk Connie, “Nakakatakot kasi baka bigla akong masampal. Siyempre ako, na-envision ko na agad yung magiging takbo ng eksena, kung ano yung mangyayari.”

“Pero siyempre faithful ka rin dapat kung ano yung hindi dapat gawin, kasi respeto kay Sanya,” aniya pa.
Para naman kay Sanya, “Nandu’n po kasi talaga yung kaba, pero natutunan naming maging open lang kami, na hindi ito bastos, may mga eksena na magiging totoo at madadala ka talaga kahit hindi naman sabihin sayo na gawin mo. Ganito naman ang ginagawa ng totoong lovers. Sex is part of the relationship.”
Nilinaw naman ng Kapuso actress na hindi nag-take advantage sa kanya ni Derrick, “Nakatulong din po sa akin na gentleman po talaga si Derrick at close po talaga kami. Kapag po kasi nandoon ka sa set at nandoon ang respeto sa isa’t isa, magagawa n’yo ang bawat eksena nang maayos.”

“Wild And Free” tells the story of Ellie, an independent and self-supporting woman, working as a part-time TNVS (transport network vehicle service) driver. Muling magkukrus ang landas nila ng kanyang ex na si Jake (Derrick) nang maging pasahero niya ito.

Habang bumibiyahe, babalikan nila ang kanilang nakaraan hanggang sa madiskubre ni Jack ang matagal nang lihim ni Ellie at dito na nga magsisimula ang mga nakakaloka at nakaka-shock na twist and turns ng movie.

Promise nina Derrick at Sanya, hindi kayo mabibitin sa mga gusto n’yong makita sa movie dahil talagang ibinigay nila ang lahat para mapaganda ang pelikula at para mapaligaya ang kanilang fans.
Showing na nationwide sa Oct. 10 ang “Wild And Free”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending