True love raw: Tom pumapayag magpa-ander kay Carla
Feeling ni Carla Abellana ay kuwento ng pamilya niya ang kinabibilangang bagong GMA primetime series na Pamilya Roces.
“In a way nga, nakaka-relate ako sa kuwento. Sabi ko nga, ‘Hindi kaya kuwento namin ito?’ Super lapit! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Carla sa media launch ng bago nilang TV series.
“My father is with his third family already. So parang hindi malayo. Pero ang difference lang po ay at least, magkakasundu-sundo ang aking half-siblings!” dagdag niya.
Tanggap kaya niya kung sakaling merong ibang pamilya ang boyfriend na si Tom (Rodriguez)?
“Ayyyy! Honestly, depende sa sitwasyon. Pero ‘yung nangyari habang kasal pa po sila at mag-asawa, tapos, may pumasok na second, third, iba na po ‘yon. Masakit na ‘yon,” rason ni Carla.
Mapapanood bukas nang gabi ang Pamilya Roces after ng Onanay.
Samantala, sa isang interview, natanong si Carla kung sino ang mas dominante sa relasyon nila ni Tom at inamin naman niya na siya ang mas nasusunod sa ilang mga bagay-bagay.
“OC kasi ako. So gusto ko everything’s in place, ma-control. Hindi naman ‘alpha’ na laging nasusunod or nagger or anything. Gusto ko lahat organized. Ako laging nagdi-direct, punong-abala,” paliwanag ni Carla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.