Unibersidad sa 'Red October' list minamatyagan ng pulisya | Bandera

Unibersidad sa ‘Red October’ list minamatyagan ng pulisya

- October 04, 2018 - 07:32 PM

PATULOY ang pagmo-monitor ng National Capital Region Police Office sa mga kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila kung saan sinasabing nagre-recruit ang CPP-NPA para sa “Red October,” ang oust plot laban kay Pangulong Duterte.

Nilinaw naman ni NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar na walang magaganap na pag-aresto at sapilitang pagpasok sa mga paaralan ang mga otoridad.

Dagdag niya, patuloy lang na magbabantay ang pulisya at magkakaroon lamang ng pag-aresto kapag may mga paglabag silang makikita tulad ng pagpaplano ng rebelyon o pag-iingat ng mga kontrabando.

Nananatili pa rin sa heightened alert ang NCRPO kasunod ng nangyaring pagsabog sa Lamitan, Basilan noong Agosto na ikinasawi ng 10 katao, ayon sa opisyal.

Samantala, wala umanong natatanggap na impormasyon ang pamunuan ng University of Makati kaugnay sa inilalatag na planong pagpapatalsik kay Duterte.

Ito ang paglilinaw ni UMAK president Tomas Lopez matapos makasama ang unibersidad sa listahan ng AFP.

Inihayag naman ni Lopez na pinapahalagahan nila ang karapatan sa pamamahayag ng kanilang mga estudyante at iginagalang ang prinsipyo ng demokrasya na isinasaad ng Konstitusyon.

Pero bilang local academic institution, hindi ito lumalahok sa anumang uri ng pamumulitika, ani Lopez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending