School ipinangalan sa anak ni Cong gamit pondo ng bayan | Bandera

School ipinangalan sa anak ni Cong gamit pondo ng bayan

Den Macaranas - October 03, 2018 - 12:10 AM

MINSAN ang pulitika ay nakakawala ng respeto sa mga pulitiko kahit na maganda at matino ang kanilang hangarin sa publiko.

Kapag ang isang mambabatas ay nasa posisyon ay asahan na natin siya na gagawa ng batas para sa kanilang nasasakupan tulad na lamang ng kongresista na bida sa ating kwento ngayong araw.

Matagal nang inilalambing ng kanyang mga constituents ang pagkakaroon ng isang Science High School sa kanilang lugar na matatagpuan sa isang kilalang lungsod sa Northern Luzon.

Makaraan ang ilang buwang deliberasyon at konsultasyon ay nagkaroon ng linaw ang kanilang pangarap.

Lumusot ang panukalang pagtatayo ng isang Science High School para sa mga matatalinong kabataan sa kanilang lungsod.

Halos walang kahirap-hirap na nailusot ang panukala sa third and final reading sa Kamara.

Sinabi ng ating Cricket sa Kongreso na ito ay dahil na rin sa lawak ng impluwensiya ng mambabatas sa kanyang mga kasamahan kaya lumusot agad ang panukala.

Sinasabing mas marami sana ang bibilib kay Cong kung ito ay kanyang ginawa base sa pangangailangan ng kanyang constituents at hindi dahil sa personal na interes.

Ipinangalan kasi ni Cong sa kanyang namatay na anak ang Science High School na itatayo sa kanilang lugar.

Pwede namang bigyan ng tribute ang kanyang anak ng hindi ginagamitan ng pondo ng bayan, sabi pa ng aking Cricket.

Mahusay na mambabatas si Cong at kilala sa kanyang pagiging mabu-ting ama pero sa puntong ito ay marami ang na-turn off nang ipangalan niya sa kanyang anak ang ipatatayong paaralan na ginamitan ng kanyang legislative power.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang bida sa ating kwento ngayong umaga ay si Cong. R…as in Ruby.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending