Ate Vi sa pagpasok ni Luis sa politika: Handa ka na bang isakrispisyo ang income mo sa showbiz?
INAMIN ni Lipa City Congresswoman Vilma Santos na inalok na tumakbong mayor ng Lipa City ang kanyang anak na si Luis Manzano last election.
Pero siya mismo ang nagsabi na hindi pa prepared ang kanyang anak na su-mabak sa politika, “Nag-usap kami ng anak ko. Sinabi ko sa kanya na kung hindi pa siya willing isakripisyo pa ‘yung mga income niya, kasi talagang mababawasan.
“Mas malaki na nga ‘yung tax na binabayaran ni Lucky kesa sa akin, e, pagda-ting sa showbiz ‘di ba? So, talagang mababawasan (kita niya),” pahayag ni Cong. Vi nu’ng makausap namin sa dressing room after ng taping niya sa The Bottomline with Boy Abunda sa ABS-CBN.
‘Yun din daw ang ipinayo ni Cong. Vi sa komedyanteng aktres na si Ai Ai delas Alas nu’ng nagbalak din itong pasukin ang politika.
“Sabi ko kay Ai Ai, if you are not ready to sacrifice kahit paano ‘yung income mo sa showbusiness, kasi hindi pwede mo talaga makukuha ‘yan unless magnakaw ka. Pero kung ‘yung talagang serbisyo at gusto mo ‘yung fulfillment ng pagiging public servant, masasakripisyo pati income mo. Iba lang ’yung fulfillment na ang sarap ng pakiramdam na kapag nagsalita ka, pinapakinggan ka,” sabi pa ni Ate Vi.
Wala namang ideya si Cong. Vilma kung may nag-alok ulit kay Luis na tumakbo sa Lipa City sa nalalapit na mid-term elections, “He’s too busy with his career and Jessy (Mendiola). Ha-hahaha!”
Speaking of Jessy, may balitang engaged na sila ni Luis. Pero say ni Cong. Vi, hindi raw niya alam.
“Basta hintayin na lang natin. Siya naman ang magsasabi, e. Kasi kapag tinatanong ko rin siya, ‘Mom, kayo ang unang makakaalam.’ Ayoko naman dahil sa maraming nagbubuyo sa kanya, not even pressure, e. Binubuyo-buyo tapos later on hindi naman, ’Kung kailan ka handa, anak,’ sabi ko sa kanya.
“But by the way I see him, he’s very happy. Pero huwag natin, basta kung kailan niya gusto. Kasi mahirap ‘yung gagawin niya ang isang bagay dahil sa buyo, ‘di ba?” aniya pa.
Pero ang bunso raw niyang anak na si Ryan ang presintado na bigyan na siya ng apo, “Sabi ni Ryan, ‘If Kuya is not ready to give you a baby, sige, I’ll give you. Uuna na ako kay Kuya.’ Sabi ko naman sa kanya, ‘Sige, subukan mo. Nag-aaral ka pa.’ Hindi ko na lang sabihin pero matagal na si Ryan at nu’ng girlfriend niya.”
q q q
Bukas na finally sa publiko ang ABS-CBN Studio Experience mula sa nangungunang media at entertainment network sa Pilipinas.
Ang ABS-CBN Studio Experience ang kauna-unahang studio city sa bansa na nagbibigay pagkakataon sa mga bisita na maging bida, reality contestant, stunt trainee, production crew at iba pa sa loob ng bagong indoor theme park na magtatagpuan sa Ayala Malls TriNoma.
Nag-grand opening na sila noong Set. 16, na pinangunahan ni Robi Domingo bilang host. Ipinakita sa mga bisita ang Reality, Fantasy, at Retail Stores. Ipinakita rin ang natatanging 4D production sa bansa, ang “ASAP 4D” sa loob ng Kapamilya Theater na isa lamang sa 15 attractions ng Studio XP.
Pinangunahan nina ABS-CBN chairman emeritus Eugenio Lopez III at Ayala Land commercial business group head Junie Jalandoni ang pagbubukas ng Studio XP.
Personal naming na-experience ang ilan sa attractions nito nu’ng maimbitahan kami ng ABS-CBN CorpCom. Na-try naming maintebyu ng Asia’s King of Talk Boy Abunda halaw sa kanyang programa na Tonight with Boy Abunda. Syempre, feeling celebrity kami that time ‘no!.
Maaari nang ma-experience ang Studio XP sa murang halaga na P375 sa XPass Prime tickets para sa mga first-time visitors at P350 para sa mga nagbabalik na guests na may access sa lahat ng attractions maliban sa #Starsnaps at Star Catcher.
Bisitahin na ang bagong bukas na ABS-CBN Studio Experience na matatagpuan sa 4F Ayala Malls TriNoma o bisitahin ang studioexperience.abs-cbn.com upang alamin ang shift schedule at bumili ng tickets online.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.