Vilma nakikipagkulitan kay Luis sa IG, pati si Michael Jackson ‘binuhay’

By Ambet Nabus September 30,2018
share this

Vilma nakikipagkulitan kay Luis sa IG, pati si Michael Jackson ‘binuhay’

By Ambet Nabus September 30,2018
share this

LUIS MANZANO AT VILMA SANTOS

Speaking of Ate Vilma Santos, nakakaaliw din ang mga hirit-sagot niya sa mga antics ng ampon naming si Luis Manzano.
Sa Instagram ay aliw na aliw ang kanilang mga followers ni Luis matapos makipagkulitan sa kanya si Ate Vi at sabihing ipinaampon siya ni Michael Jackson sa kanya matapos iwan sa kanyang kalinga.

Sagot niya ‘yun sa tanong ni Luis kung ito ba ang tunay niyang ama, matapos i-post ang picture ng ina kasama ang yumaong si MJ some decades back.

Ang kulit-kulit ng magnanay kaya naman tuwang-tuwa ang mga netizens sa kanila.

Pero sa bandang huli ng kanilang palitan ng mensahe ay pinagsabihan ni Ate Vi si Luis na umayos dahil kapag daw merong naniwala ay lagot ito sa kanya. Ha-hahahaha!

Anyway, balitang merong nilulutong isang bonggang project for Ate Vi na dapat nating abangan! Pero sana nga ay makagawa uli ng isang makabuluhang pelikula ang ating Star for All Seasons dahil miss na miss na siya ng mga kapwa Vilmanians sa big screen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending