Ate Vi apektado na rin sa inflation; walang balak tumakbo sa Senado | Bandera

Ate Vi apektado na rin sa inflation; walang balak tumakbo sa Senado

Jun Nardo - September 29, 2018 - 12:35 AM

VILMA SANTOS

APEKTADO rin si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayon.

Nakausap ng ilang members ng entertainment press an Star for All Seasons sa guesting niya sa The Bottomline show ni Boy Abunda, dito nga niya sinabi na ‘yung perang nakalaan para sa marketing sa bahay for one week ay good for four days na lang, huh!

“Eh ‘yung carrots nga, magkano itinaas ng carrots? Eh, ginagawa kong juice ang carrots! Ha! Ha! Ha!” saad ni Cong. Vilma.

Panawagan niya sa pagtaas ng presyo ng bilihin, “Alam ko na may ginagawa kayo but make this na priority na masolusyunan.”

May nag-suggest naman na tumakbo na siya sa mas mataas na posisyon gaya ng Senado nang sa gayon ay mas maging malawak ang puwede niyang matulungan?

“Ang pangit naman na mag-aambisyon ka, ang asawa mo nandiyan na. Pabayaan na muna ako sa Kongreso at siya sa Senado. Baka hindi pa kami magkasundo sa isang bill eh, mag-away pa kami,” biro ng congresswoman ng Lipa City.

Sa mga nagtatanong kung kailan naman siya muling makikitang umaarte sa TV o sa movie, hindi niya rin magagawa dahil election next year.

“Miss na miss ko ‘yung nagtatawanan, nagkakainan sa backstage kapag break sa taping o shooting. If it’s meant to be, it’s meant to be,” rason niya.

Sa taping ng The Bottomline, bumisita kay Ate Vi ang anak-anakan niyang si Carlo Aquino. Nagkasama noon ang dalawa sa movie na “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?” Tukso ni Vilma kay Carlo nang magkita sila, “Ikaw, naging playboy ka na, huh! Ang anak ko, playboy na! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Congresswoman Vilma.

Mapapanood ang episode ni Ate Vi bago ang kanyang birthday sa Nov. 3. Sa kaarawan niya, bakasyon siya kasama ang pamilya sa isang Asian country.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending