NBI inatasang magsumite ng inisyal na ulat kaugnay ng ‘Red October’ sa Oktubre 1
SINABI ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsumite sa Oktubre 1 ng inisyal na resulta ng imbestigasyon kaugnay ng umano’y “Red October” o ang umano’y tangkang pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.
Idinagdag ni Guevarra na agad na sinimulan ng NBI ang imbestigasyon mula nang matanggap ng Malacanang ang sinasabing kuntsabahan para alisin si Duterte sa pwesto.
“The probe started immediately after talks about the plot started circulating,” sabi ni Guevarra.
“We take this matter seriously as ‘Red October’ may actually involve commission of crimes punishable under our penal laws,” ayon pa kay Guevarra.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.