Senior citizens may libreng sakay sa MRT at LRT2 mula Oktubre 1-7 | Bandera

Senior citizens may libreng sakay sa MRT at LRT2 mula Oktubre 1-7

Leifbilly Begas - September 28, 2018 - 02:37 PM

MAGPAPATUPAD ng libreng sakay para sa mga senior citizen ang Metro Rail Transit 3 at Light Rail Transit 2 mula Oktubre 1-7.

Sinabi ni Senior Citizen Rep. Francisco Datol Jr. na ang libreng sakay ay bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week.

Sa LRT 2 ang mga senior citizen ay may libreng sakay mula 7 hanggang 9 ng umaga at mula 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

May itatalaga ring gate ang LRT2 para sa mga senior citizens sa pagpasok sa loob, ayon sa sulat na ipinadala ni LRT Administrator Reynaldo Berroya.

Kailangan nilang dalhin ang senior citizen identification card o iba pang ID na nagpapakita ng petsa ng kanilang kaarawan para mabigyan ng libreng sakay.

Sa MRT naman, ang mga senior citizen ay bibigyan ng magnetic ticket para makapasok sa paid area at kanila itong ibibigay sa kanilang paglabas.

“Ang mga senior citizen ay sasailalim para rin sa karaniwang security inspection,” ayon kay MRT3 general manager Rodolfo Garcia.

Nagpasalamat naman si Datol sa pamunuan ng LRT2 ay MRT3 sa pakikiisa sa Elderly Filipino Week.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending