Victor, Mike, Antonio nag-comedy, kumanta, sumayaw sa ‘Hapi Ang Buhay The Musical’ | Bandera

Victor, Mike, Antonio nag-comedy, kumanta, sumayaw sa ‘Hapi Ang Buhay The Musical’

- September 23, 2018 - 12:40 AM


TAGUMPAY ang ginanap na red carpet premiere ng “Hapi Ang Buhay The Musical” sa SM Megamall cinema 3 at 4 kamakalawa ng gabi. Punumpuno ang dalawang sinehan ng mga taong naimbitahan para mapanood ang bagong proyekto ng EBC Films.

Ang “Hapi Ang Buhay The Musical” ang ikalawang pelikulang handog ng EBC films sa panulat at direksyon ng award winning director na si Carlo Ortega Cuevas. Ito’y pinagbibidahan nina Antonio Aquitania, Mike Magat at Victor Neri.

In fairness, kahit na nakilala sa maaaksyon at madadramang pelikula ang tatlong bida ng pelikula ay nagawa pa rin ni Direk Carlo na ilabas ang pagiging singer at komedyante ng mga ito. Kaya sa mga fans nina Mike, Victor at Antonio, siguradong magugulat kayo sa mga eksenang ginawa nila sa “Hapi Ang Buhay” dahil talaga namang ibang-iba ito sa mga nagawa na nilang mga pelikula in the past.

Ang mga karakter sa pelikula ay hango sa Net 25 TV comedy series na Hapi Ang Buhay, na sequel spinoff naman ng Walang Take Two na idinirek din ni Carlo Cuevas.

Iikot ang kuwento ng pelikula kay Alfajor, isang kilalang nagpapautang sa kanilang lugar, na nakita na lang isang araw na walang malay sa barangay Kaysaya. Dahil dito ay nagkagulo ang taumbayan.

Ayon kay Direk Carlo, “The ultimate reason why we, EBC Films, are making movies is to promote values. And I believe that promoting values doesn’t have to be boring. So we are trying our best to educate and inspire the audience without sacrificing entertainment value.”

“Filipinos love to sing and dance. It provides us the quick escape from life’s daily challenges. Hapi ang Buhay the Musical, will not only make you laugh and sing but will also teach values through a satire of Filipino life,” dagdag naman ni Robert Capistrano ng EBC Films.

Ang nagsilbing cinematographer ng pelikula ay si Giancarlo Escamillas na nanalong Best Cinematographer in a Foreign Language Film sa Madrid International Film Festival 2017 habang ang musical arrangement ay pinamahalaan naman nina Abednego Alfonso at Amiel Tuazon.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang direktor ng “Hapi Ang Buhay” na si Carlo Cuvevas ay isa ring award-winning director, nanalo siyang Best Director in Foreign Language para sa pelikulang “Walang Take Two” at sa International Filmmaker Festival of World Cinema sa London at Best New Comer Filmmaker of the Year sa World Film Awards sa Jakarta, Indonesia.

Ang huli niyang movie na “Guerrero,” ay nanalo ring Best Feature Comedy Film sa Amsterdam International Film Festival 2018 at Best Editing in a Foreign Language Film sa Madrid International Film Festival 2018.

Ipalalabas na sa mga sinehan nationwide ang “Hapi Ang Buhay The Musical” very soon. Pero next week magkakaroon muna ito ng special one-week screening sa New Era University simula ngayong Lunes. – Louise Ariola

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending