Yassi: Isa sa tunay kong kaibigan sa showbiz si Coco! | Bandera

Yassi: Isa sa tunay kong kaibigan sa showbiz si Coco!

Ambet Nabus |September 22,2018
facebook
share this

Yassi: Isa sa tunay kong kaibigan sa showbiz si Coco!

Ambet Nabus - September 22, 2018 - 10:03 AM


MAGKASABAY naman ang playdate ng “Tres” at ng bagong hugot movie na “Para Sa Broken Hearted” na pinagbibidahan nina Yassi Pressman, Shy Carlos, Sam Concepcion, Louise delos Reyes at Marco Gumabao.

“Hugutan ng emosyon,” ang sabi sa amin ni Yassi na mas gumanda pa ngayon at umaasa ring makaka-iskor ng movie hit after ng hindi ganu’n ka-bonggang resulta sa takilya ng “Pambansang Third Wheel” kung saan nakasama niya si Sam Milby.

“Medyo light naman po ang drama at mga eksena rito. Napaka-relatable kaya sana panoorin nila, lalo na nu’ng mahilig sa love story at nakaranas nang maging broken hearted,” dagdag ni Yassi.

Although idineklara ni Yassi na wala siyang boyfriend ngayon, hindi naman daw siya naghahanap dahil aniya, “Sobrang occupied ako sa work ko. Ang dami talagang commitments na dapat ayusin at gawin. At gaya ng role ko sa movie, willing naman akong maghintay.”

Muli rin niyang pinabulaanan ang ayaw mamatay-matay na tsismis tungkol sa secret relationship nila ni Coco Martin na kasama naman niya sa Ang Probinsyano.

Sey pa niya, “Dahil nandiyan pa kasi ang Probinsyano namin. We are good friends at isa nga siya sa itinuturing kong tunay kong kaibigan sa showbiz.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending