Pelikula ni Alex tinanggal daw agad sa sinehan, dapat palitan na ang title

By Cristy Fermin September 22,2018
share this

Pelikula ni Alex tinanggal daw agad sa sinehan, dapat palitan na ang title

By Cristy Fermin September 22,2018
share this

DAHIL  sa malagihay na pagtanggap ng ating mga kababayan sa bagong pelikula ni Alex Gonzaga ay maraming nagkokomento na hindi talaga niya mapaplakado ang naging kapalaran ng kanyang kapatid na si Toni.

Mukhang hinamig na nga ng pelikulang “The Hows Of Us” ang pera ng bayan, hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin ang KathNiel movie, samantalang papasok na ‘yun sa ikaapat na linggo.

Kuwento ng isang anak-anakan naming mahilig manood ng sine, “Pasensiya na, wala akong maikukuwento sa iyo tungkol sa pelikula ng feelingerang si Alex Gonzaga.

“Pagdating ko sa Robinson’s-Sta. Rosa, hindi na palabas ang movie niya, malinaw ang ibig sabihin nu’n, tsinugi na sa sinehan ang movie.

“Sayang, hindi ko man lang naramdaman ang malamig na kapaligiran dahil walang body heat, hindi tinao ang pelikula. Kung pinanood ko na sana kahapon ang pelikula, e, di sana, nabilang ko pa kung iilan lang kami sa sinehan.

“Kaso, binaklas na, iba na ang palabas, kaya palitan na lang nila ang titulo ng movie ni Alex Gonzaga!

Gawin na lang nilang ganito ang title—“Nakalimutan Ng Manonood Na Panoorin Ka”!

“‘Yun lang!” komento pa ng aming source na naging saksi sa senaryo tungkol sa pelikula ni Alex Gonzaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending