Aktres talbog ang Christmas tree sa dami ng alahas sa katawan | Bandera

Aktres talbog ang Christmas tree sa dami ng alahas sa katawan

Cristy Fermin |September 20,2018
facebook
share this

Aktres talbog ang Christmas tree sa dami ng alahas sa katawan

Cristy Fermin - September 20, 2018 - 12:15 AM


PINAGPISTAHAN nu’ng minsan sa isang umpukan ang isang female personality na dating kasama sa listahan ng mga tinatawag na TH o trying hard sa showbiz.

Hindi lang siya TH nu’n, maepal pa siya, kaya maraming kuwentong umiikot tungkol sa babaeng ito. Nakalundag na kasi siya sa estado ng pagiging Spell M. Palaging matindi ang kanyang pangangailangan nu’n.

Kuwento ng isang source, “Ganu’n pala talaga ‘yun, hano? Kapag hindi sanay sa yaman, kitang-kita mo ang ugali ng tao. Masyado siyang nabibigla, hindi makahuma, sobrang hindi niya makayang i-handle ang buhay niya.

“Ganu’n mismo ang female personality na ito na nabiyayaan ng career dahil sa biglang pagsikat din ng isang kadugo niya. Mas lumaki pa ang ulo niya kesa sa taong dapat tamaan ng kasikatan.

“Sobrang flaunty ang lola n’yo, hindi niya kayang hawakan ang matinding suwerteng dumating sa buhay nila, kaya maraming naloloka sa kanya ngayon.

“Nakikita n’yo ba ang mga daliri niya ngayon? Aba naman, maluluma sa kanya ang Christmas tree sa dami ng nakasabit na burloloy!

“At dahil ngayon pa nga lang siya nagkakaroon ng mga truliling jewelry, e, halos sabay-sabay niyang isinusuot ang mga dyulahas niya!

“Nagniningning ang kanyang mga kamay, umaabot hanggang sa langit ang kinang ng mga suot niyang alahas, pinagsasabay-sabay nga kasi niya ang pagsusuot nu’n.

“Kung napadadagdagan lang ang mga daliri ng tao, e, siguradong umorder pa siya uli ng mga additional na daliri para maisuot pa niya ang ibang alahas sa jewelry box niya!” humahalakhak na kuwento ng aming source.

At dala-dala pala ng female personality ang lalagyan niya ng mga alahas kapag nasa taping siya. Pumipili kasi siya ng mga susuutin sa bawat araw na itine-tape nila, kaya dinadala na niya lahat, para maidispley niya ang mga dyulahas niya.

“Nakakaloka ang mother na ito, ngayon lang kasi natupad ang mga dreams niya, kaya hayaan na lang natin siyang maging flaunty para naman feel na feel niya ang pagiging rich na rich,” tawa nang tawang chika ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, meron pa bang iba? Siya lang ‘yun!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending