Jenine na-bad trip na naman kay Janella; family driver inireklamo

September 18,2018
share this

Jenine na-bad trip na naman kay Janella; family driver inireklamo

September 18,2018
share this


BAD trip na naman ang singer-actress na si Jenine Desiderio sa kanyang anak na si Janella Salvador.

Hindi man diretsong binanggit ni Jenine ang pangalan ng anak, naniniwala ang mga netizens na para na naman kay Janella ang bagong hugot nito na kanyang ipinost sa Facebook.

Ayon sa veteran singer, inis na inis siya dahil mas pinaniwalaan pa raw ni Janella ang kanilang driver na nangupit diumano kesa sa kanya.

Ayon sa singer, “Eh yung nahuli mo na on 3 occasions yung driver ng anak mo (with witness & evidence) na nangugupit at nagsisinungaling tapos mas pinili nyang paniwalaan yung driver.”

Tanong ng isa niyang friend sa FB, “Sino ang namili paniwalaan ang driver?” Tugon ni Jenine, “My daughter chose to believe the driver over me.”

Sabi pa ng nanay ni Janella, “After all that he’s done, hindi sya kawalan. He cannot be trusted. Nambitin nga sya eh 2x! He was supposed to pick her up from the airport.

“After telling him off, nawala na lang basta. I had to pick her up on the last minute even if i had other things to do. Then, despite everything, she begged him back, after he lied about me to her…?” dagdag nito.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang reaksyon o komento si Janella sa reklamo ng kanyang ina.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas ng sama ng loob si Jenine laban sa kanyang anak. Kung matatandaan ilang beses nang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ina, kabilang na riyan ang diumano’y pakikipagrelasyon ni Janella sa rumored boyfriend niton si Elmo Magalona.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending