Cogie nagpapaganda ng katawan para sa bonggang project | Bandera

Cogie nagpapaganda ng katawan para sa bonggang project

Cristy Fermin |September 17,2018
facebook
share this

Cogie nagpapaganda ng katawan para sa bonggang project

Cristy Fermin - September 17, 2018 - 12:30 AM


MALAKI na ang ibinagsak ng timbang ni Cogie Domingo. Kailangan niyang magsakripisyo dahil isang malaking proyekto ang nakatakda niyang gawin para sa Cineko Productions.

‘Yun ang unang-unang hiniling sa kanya ng isa sa mga producers na si Mayor Enrico Roque, dapat siyang mag-diet, dahil lolobo ang kanyang rehistro sa mga camera kapag hindi niya ‘yun pinagsikapang mangyari.

Kung kaguwapuhan ang pag-uusapan ay lusot na lusot si Cogie, walang i-pinagbabago ang kanyang itsura mula nu’n hanggang ngayon, timbang na lang talaga niya ang kuwestiyon.

Na ginagawa niya naman, pangalawang bahay na nga niya ngayon ang gym, seryoso si Cogie na makuha ang inaasinta niyang timbang. Malaki na rin ang ipinagbago niya sa oras.

‘Yun ang madalas na reklamo sa kanya ng produksiyon, palagi siyang late sa kanyang calltime, na unti-unti na rin niyang naga-gamot ngayon.

Malinis na malinis na kasi siya, iniwanan na niya sa nakaraan ang mga bagay-bagay na naging malaking abala sa kanyang karera, na dapat lang naman.

Pagkukuwento pa ni Cogie, “Sa Man & Wife po, wala akong dialogue, puro reaction shots lang, pero malaking problema ang i-binigay ko sa mga bida.”

Sa sangdamakmak na artista ngayon ay isa si Cogie Domingo sa mamahalin mo dahil sa kanyang pagiging humble. Wala siyang kaarte-arte sa katawan. Kahit pa meron na siyang napatunayan bilang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending