Coco tinupad na ang hiling ni Rhed Bustamante
KINONTAK na ni Coco Martin si Rhed Bustamante matapos mapanood ang panawagan ng child actress.
“Tinawagan ko na siya,” Coco quipped in one recent TV interview.
“Ako kasi naniniwala ako sa oportunidad, eh. Lalung-lalo na ‘yung bata napaka-talented,” dagdag pa ng actor.
Marami ang nadurog ang puso when Rhed was interviewed recently kung saan sinabi niyang kapos sila sa buhay ngayon.
“Akala ko po pag mag-aartista ka madaming mag-o-offer sa ’yo, pero hindi po pala gano’n. Hindi po pala gano’n kadaling mag-artista,” sabi ni Rhed sa interview.
Hindi kami magtataka kung ipasok na ni Coco si Rhed sa FPJ’s Ang Probinsyano at sa kanyang MMFF movie na “Jak Em Popoy”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.