Payo kay Robin: Kalimutan mo na ang ambisyong maging senador!

By Ronnie Carrasco III September 13,2018
share this

Payo kay Robin: Kalimutan mo na ang ambisyong maging senador!

By Ronnie Carrasco III September 13,2018
share this

SA MGA nagbabalak na tumakbong senador sa 2019 elections ay nagbuena mano si Ilocos Norte Governor Imee Marcos in meeting the entertainment press.

Months ago’y laman ng social media si Imee via a viral instructional video as she gave a French twang to Filipino words na may kabastusan. Baka nagti-trip lang siya noon, kunwari’y isang Linguistics professor minus the presence of a single enrolee.

Months later ay bumida na naman si Imee kaugnay ng kinakaharap niyang kaso, pero mga pekeng dokumento naman umano ang kanyang isinumite.

Sinundan ito sa pagdiriwang ng 35th death anniversary ni dating Sen. Ninoy Aquino, kung saan may panawagan si Imee sa taumbayan—most especially to the Marcos critics—na mag-move on na.

May punto naman si Imee, it’s about time we all moved on. Long overdue na nga ‘yon kung tutuusin.

But for most Filipinos—isama na ang mga biktima ng pang-aabuso at diktadurya sa ilalim ng panunungkulan ng kanyang ama—to move on without the family of the offender issuing a statement of genuine apology ay walang iniwan sa isang taong nagso-sorry nga pero galing naman sa ilong.

Sa planong pagtakbo ng isa na namang Marcos aspiring to embrace an institution they once bungled and stained ay paganahin naman sana natin ang ating sense of history. Batid naming marami ang aming makakaaway sa kolum na ito, pero mabuti na lang, we gained our freedom back.

Kung tinitipa namin ito noong panahon ni Marcos, tiyak meron kaming paglalagyan.

Totoong hindi kasalanan ng ibang miyembro ng angkan if they hold elective posts today. Ibinoto pa rin naman sila, we cannot say nga lang kung nabahiran o hindi ng pandaraya ang pagkapanalo nila. Ang importante para sa kanila, nakaupo na sila. Care bears.

Personally, we take fancy at Imee. Babaeng bakla kasi, jologs even, betraying her outward mien na edukada, disente at fashionista.

But not another tentacle na may kakayahang manakmal uli like history repeating itself. Alug-alugin naman natin ang ating historical brains, baka bumalik sa ating alaala ang buhay na imahe na gumagalaw pa rin sa pamamagitan ng anino ng kasalukuyan.

Ganu’n na nga tayo noon, papayag ba tayong magkagnu’n uli ngayon?

q q q

Either soothsayers or naysayers, ngayon pa lang ay hinuhulaan na ng maraming netizens ang paglalagyan ni Robin Padilla na balitang nag-aambisyon (o nag-iilusyon?) na maging Senador.

Anila, huwag na raw ituloy ng action star ang kanyang balak. Ang tila siguradung-sugurado nilang forecast na matatalo raw si Robin ay bunsod ng pagiging maepal niya when he recently swooped down on the Senate sa panawagan niyang sumuko na si Sen. Antonio Trillanes na aniya’y nagtatago sa saya ng nasabing institusyon.

Consequently, social media was peppered with viral posts kaugnay ng kaso ni Robin noong 1994 linking him to the alleged use of illegal drugs. Ano raw ang “K” ni Robin na pasukuin ang mambabatas gayong siya rin daw ay namundok sa Kabikulan nang maraming araw to evade arrest?

We have nothing personal against Robin. Kung sa pagdya-judge nga niya sa Pilipinas Got Talent ay maraming beses na siyang naba-bash dahil sa kanyang mga sablay o off-tangent comments niya patungkol sa mga kalahok, ‘yun pa kayang maging isang supposedly erudite lawmaker?

Hello, Dolly! It’s so nice to have him back where he belongs.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending