Bagyong Neneng at bagyong Mangkhut binabantayan
TINATAYANG nasa Cagayan-Batanes area sa Sabado ang typhoon Mangkhut na posible umanong maging isang super-typhoon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa Miyerkules inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
“PAGASA warned that Mangkhut could intensify into a super-typhoon, with winds in excess of 205 kph, before exiting the PAR sometime between Saturday and Sunday,” saad ng advisory ng PAGASA.
Ngayong umaga ang bagyo ay nasa layong 2,745 kilometro sa katimugang bahagi ng Luzon.
Mayroon itong hangin na umaabot sa 130 kilometro bawat oras at pagbugsong 160 kilometro bawat oras. Umuusad sa bilis na 35 kilometro bawta oras pa- kanluran-timog kanluran.
Ang binabantayang low pressure area ng PAGASA ay naging isang ng bagyo at pinangalanang bagyong Neneng.
Ang sentro nito ay nasa layong 120 kilometro sa hilaga ng Basco, Batanes. Mayroon itong hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 60 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 10 kilometro pa-timog-timog kanluran.
Inaasahang lalabas ang bagyong Neneng ng PAR sa Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.