28 great plans, proposals na inaasahang matupad ng Pinoy | Bandera

28 great plans, proposals na inaasahang matupad ng Pinoy

- September 10, 2018 - 08:00 AM

NARITO ang 28 plano o panukala na sa ti-ngin ng mga proponent ay magiging kapaki-pa-kinabang sa taumbayan.

1. 1. 30-day paternity leave

Inihain ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na itaas sa 30 araw ang paternity leave para sa mga mister mula sa kasalukuyang pitong araw para tumulong sa pag-aalaga ng kanilang bagong silang.

2. Four-day work week

Isinusulong sa Kongreso ang 10-hour, four-day o 10/4 work week sa pampubliko at pribadong sektor, na naglalayong masolusyunan ang trapik sa bansa. Sa ilalim ng panukala, tuloy pa rin ang 40 na oras na trabaho kada linggo, bagamat gagawin lamang itong a-pat na araw o 10 oras kada araw.

3. Mactan Airport to Lapu-Lapu Airport

Sa pagdiriwang ng National Heroes Day noong Agosto 27, sinuportahan ni Pangulong Duterte ang panukalang ipangalan kay Lapu-Lapu ang Mactan Airport bilang pagkilala kay Lapu-Lapu.

4. Endo bill

Sa kanyang State of the Nation (SONA) noong Hulyo, isinulong ni Pangulong Duterte sa Kongreso ang pagpasa ng batas na naglalayong tapusin ang end of contract sa bansa.

5. Metro Manila subway

Isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) ang unang subway system mula sa Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang sa airport sa Pasay City at target nito na magawa ito sa second quarter ng 2024.

6. QR code as mode of payment

Hindi na kailangan maglabas na pera kundi QR code na lang para pambili o pambayad sa mga transaksyon. Sa ila-lim ng QR code system, i-scan lamang ang QR code na nakadisplay sa cellphone bilang pambayad.

7. Smoking at drin-king ban sa Boracay

Bawal na ang pag-i-nom at paninigarilyo sa kahabaan ng white sand sa Boracay sakaling buksan muli ito sa Oktubre 26.

8. Universal Health Care

Layon ng panukalang ito na tiyakin isinusulong ng gobyerno ang sapat na health services para sa lahat ng mga Pinoy.

9. Work from home

Ilang kembot na lang ay maipapasa na ang panukalang batas na pinapayagan ang “work from home” policy sa para masolusyunan ang krisis sa trapiko sa bansa.

10. LRT1 extension

Plantsado na ang pagdugtong ng LRT 1 mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite. Target itong matapos sa 2021.

11. SOGIE bill

Nakabinbin ngayon sa Kongreso ang panukalang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill, na naglalayong isulong ang karapatan ng Lesbian Gay Bisexual Transgender (LGBT).

12. Miss Universe again sa PH

Bagamat hindi natuloy ang pagho-host muli ng Miss Universe sa bansa, plano pa rin na muling isagawa ang prestihiyosong beauty pageant sa bansa in the near future.

13. OFWs di na mag-aabroad

Makailang beses nang sinabi ni Pangulong Duterte na pangarap niyang huwag na makita ang mga Pinoy na magtrabaho sa ibang bansa para mabuhay. Anya, gusto niya maging opsyon na lamang ito at hindi pa-ngunahang paraan para makapagtaguyad ng kabuhayan sa pamilya.

14. Tax incentive for foreign movies shoot sa PH

Tax incentive ang iaalok sa mga international film makers para piliin ang Pilipinas bilang lugar kung saan gagawin ang kanilang pelikula. Layunin nito ay mapalakas pa turismo sa bansa.

15. Pagpaayos ng MRT

Hinihintay pa rin ng madlang pipol ang pagganda ng serbisyo ng Metro Rail Transit 3. Sana ay matapos na ang negosasyon ng Department of Transportation at Japan para magkaroon ng pag-asa ang pagginhawa sa biyahe.

16. Mindanao Railway

May plano na magtayo ng train station sa Mindanao. Ngayong taon sisimulan, kung masusunod ang inisyal na plano. Umaasa ang DoTr na gawa na ang unang bahagi nito bago bumaba sa Pangulong Duterte sa 2022.

17. 100-day maternity leave

Mula sa 60-araw ay plano ng Kongreso na itaas sa 100 o 120 araw mula sa 60 araw ang maternity Leave. Hirit naman ng Social Security System kailangang magtaas ng kontribusyon para mapondohan nila ito.

18. 10-day incentive leave

May mga kompanya na hindi nagbibigay ng leave sa mga empleyado kaya ipinanukala sa Kongreso ang pagbibigay ng mandatory na 10-araw na incentive leave. Ngayon ay limang araw lamang ang ibinibigay sa ilalim ng batas.
19. Marawi rehabilitation
Matapos masira ang siyudad, umusbong ang mga plano para gawing model city ang Marawi. Malaking pondo ang kakailanganin ng gobyerno para magawa ito. Isang taon matapos ang pagsalakay ng Maute group ay halos wala pang nangyayari.

20. Federalism

Marami umanong lugar na napag-iiwanan kaya naman kailangan daw ang Federalism. Kung magkakanya-kanya umano ng pamamahala sa bawat lugar at hindi manggagaling ang lahat sa Malacanang ay mas magiging mabilis ang pag-unlad.

21. Bibili ng submarine

Sa gitna ng usapin ng West Philippine Sea, umusbong ang mga panukala na bumili ng mga submarine at iba pang kagamitang pandigma upang maipagtanggol ang teritoryo ng bansa.

22. Rice sufficiency

Lahat yata ng admi-nistrasyon ay nangako ng rice sufficiency. Yung tipong hindi na kaila-ngang mag-angkat ng bigas para mapakain ang lahat ng Pilipino. Kailan nga kaya ito mangyayari?

23. TNVS

Pinag-aaralan sa Kongreso ang panukalang batas para sa Transport Network Vehicle System para maproteksunan ang mga pasaherong tumatangkilik sa serbisyong ito. Maging ang motorcycle taxi ay tinitingnan ng Kongreso na maging alternatibong masasakyan.

24. Mas mabilis na Internet

Sa pagpapatuloy ng mabagal na internet service sa bansa, nagdesisyon ang gobyerno na papasukin ang ikatlong telecommunication company upang magkaroon ng kakompetensya ang Smart at Globe.

25. Cash-based budgeting

Maganda ang layunin ng Malacanang na limitahan ang nakalagay sa national budget kung ano lang ang kayang gastusin ng ahensya sa isang taon. Pero ang tanong ay kung kaya ba itong gawin. Sa bagal ng proseso, may mga proyekto na hindi pa nasisimulan kahit patapos na ang taon.

26. Airport

Matapos sumadsad ang eroplano ng Xiamen Airline na nagdulot ng perwisyo sa libu-libong pasahero sa Ninoy Aquino International muling lumakas ang panawagan na magtayo ng isa pang International airport. Nasa panukala ang pagtatayo sa Bulacan na proposal ng San Miguel Corp., ang pagpapalawig ng Clark International Airport at maging ang paggamit ng Sangley Point sa Cavite.

27. Department of Sports

Para matutukan ang sports ng bansa, may panukala na itayo ang Department of Sports katulad ng ahensya na mayroon ang ibang bansa. Kung magkakaroon ng sariling ahensya ay baka matutukan na umano ng husto ang sports sector na napapabayaan kaya umano hindi gumaganda ang performance ng mga atleta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

28. Asian Game 2022

Sa katatapos na Asian Games ay pang-19 ang Pilipinas sa 45 bansa na naglaban sa iba’t ibang kompetisyon. Ang tanong kayanin kaya ng Pilipinas na mag-host ng Asiad sa 2022? Wish itong magkatotoo ng marami. Dedepende ito marahil kung ano ang kalalabasan ng pagho-host ng Pilipinas sa Southeast Asian Games sa 2019.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending