Jo Berry: Sobrang binago ng Onanay ang buhay ko!

September 09,2018
share this

Jo Berry: Sobrang binago ng Onanay ang buhay ko!

September 09,2018
share this

JO BERRY AT CHERIE GIL

AFTER ng kanyang Magpakailanman guesting noon, maituturing na pangalawang proyekto pa lang ng small but terrible na si Jo Berry sa GMA ang Onanay.

Pero hindi maikakailang marami na siyang tagahanga dahil sa husay niya sa pag-arte. Sa programang Tunay Na Buhay ni Rhea Santos, inamin ni Jo na hinuhusayan niya talaga ang kanyang trabaho kahit na nangingibabaw raw ang pagiging fan niya kina Mikee Quintos at Kate Valdez, na gumaganap na mga anak niya sa serye.

Ginalingan naman talaga ng ating little star dahil kasamang tinututukan ng mga manonood ang mga eksena niya kasama ang mga veteran actress na sina Nora Aunor at Cherie Gil.

Malayo na nga ang narating ni Jo dahil bukod sa mataas na rating ng kanyang show ay inspirasyon din ang dulot nito para sa differently-abled persons tulad niya.

Sa panayam naman sa kanya ng Tonight With Arnold Clavio, inilahad niya kung paano nabago ang kanyang buhay dahil sa serye.

“Marami na po akong realization ngayon, na sa akin gusto ko lang siyang ma-explore, pero ‘yung impact sa tao, malaki. Marami na po sa akin nagme-message or kahit ‘yung mga nami-meet ko, nagte-thank you sila dahil nai-inspire sila sa akin. Ang sarap po sa pakiramdam na nakaka-inspire ako ng mga tao,” aniya pa.

Inamin din niya na starstruck pa rin siya kina Ae Guy at Cherie, pati na sa direktor nilang si Gina Alajar.

“Na-starstruck pa rin ako kahit matagal ko na silang nakakasama. Lagi nila akong tinutulungan kapag may mga scenes na medyo nahihirapan ako tsaka mabigat. Sobrang blessed ko po na sila ‘yung mga kasama ko dito sa Onanay,” kuwento pa ni Jo.

Samantala, sa nasabing primetime series, maraming Kapuso viewers ang humahanga sa karakter ni Jo na si Onay dahil hindi ito sumusuko sa mga kamalditahan ni Helena (Cherie). Matuklasan na kaya niyang buhay ang nawalay niyang anak? Abangan yan sa pagpapatuloy ng top-rating GMA Telebabad series na Onanay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending