‘Gugulatin na lang ni John Lloyd ang madlang pipol’ | Bandera

‘Gugulatin na lang ni John Lloyd ang madlang pipol’

Cristy Fermin |September 06,2018
facebook
share this

‘Gugulatin na lang ni John Lloyd ang madlang pipol’

Cristy Fermin - September 06, 2018 - 12:20 AM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

PAMILYAR na sa mga Cebuano ngayon ang nagpapahingang aktor na si John Lloyd Cruz. Kung dati’y nakikipagsiksikan pa sila sa mga mall kapag nagpe-personal appearance sa kanilang siyudad ang aktor, ngayon ay nakakasabay na lang nila ang magaling na aktor sa palengke, sa grocery, sa kahit saan.

Wala pa sa bokabularyo ngayon ni Lloydie ang pagbabalik-showbiz, sinasamantala pa niya ang masarap na panahon para makapagpahinga, ito ang unang pinakamahaba niyang pahinga mula nang mag-artista siya.

Tayo man siguro ang maging si JLC na sa bawat gising ay trabaho na agad ang nakaabang ay mapapagod din tayo. Wala siyang sariling panahon, ninanakaw lang niya ang oras para siya makapag-bar, dahil mula umaga hanggang gabi ay trabaho ang naghihintay sa kanya.

Sumuko na ang kanyang katawan sa pagod. Naging instrumental na lang ang pagdating ni Ellen Adarna sa kanyang buhay, pero matagal na nga sigurong pinapangarap ng sikat na aktor ang ganitong klase ng ikot ng kanyang maghapon, nakakatulog siya nang sobra at nakapagpapahinga.

Pero huwag naman sanang matagalan pa ang kanyang pagkawala sa mundong una niyang minahal at tunay din namang nagmahal sa kanya. Marami nang nakaka-miss sa kanya.

Isang araw ay sorpresahin na lang sana ni John Lloyd Cruz ang kanyang mga tagahanga dahil gagawa na pala uli siya ng pelikula at lalabas sa telebisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending