Video ng pag-iyak at pagmamakaawa ni Mystica kay Coco walang nag-share sa social media | Bandera

Video ng pag-iyak at pagmamakaawa ni Mystica kay Coco walang nag-share sa social media

Ronnie Carrasco III |September 06,2018
facebook
share this

Video ng pag-iyak at pagmamakaawa ni Mystica kay Coco walang nag-share sa social media

Ronnie Carrasco III - September 06, 2018 - 12:25 AM

MYSTICA AT COCO MARTIN

PINAGTIYAGAAN naming panoorin ang “share-less” video ng tumatangis na si Mystica na may kulang-kulang 14 minutong running time.

Kuha ‘yon sa mala-bakery kung saan sa gilid nito’y naglitanya siya ng kanyang kalagayan ngayon sa buhay. Siya raw ang nagluluto ng paninda at matiyagang tumatao sa gabi.

Pero ang pinakabuod ng emote na ‘yon ni Mystica ay iisa lang ang kinabagsakan: she wants to return to showbiz. Ginawa raw niya ang video na ‘yon para kumalat hanggang makarating sa atensiyon ni Coco Martin.

Why Coco of all? Marami na raw kasing nabigyan ng pagkakataon ang aktor via his nightly teleserye. Ang mga artista nga namang walang trabaho ay nabigyan muli ng exposure at
pagkakakitaan.

Ewan kung tama ang aming career analysis, nais ni Mystica na subukan ang pag-arte if given a break although mas nakilala’t sumikat naman siya sa larangan ng pagsasayaw, splitting her legs like a dog making a pee at a fire hydrant.

Kung gagawing audition piece ang kanyang video (na wala ni isang nag-share), mukhang papasa siya sa mga heavy dramatic scenes. Kahit walang script na sinusundan, maitatawid ni Mystica ang eksena.

q q q

Panghimagas: Medyo diskumpiyado kami sa tsikang “love is lovelier the second time around” sa dating magsing-irog na ito. Kung ang boylet ang pag-uusapan, very much single ready to mingle ang status niya ngayon. After all, ang dati niyang dyowa ay nakatagpo na rin ng bagong minamahal.

This cannot be said of the girl being linked to him though. Matagal na kasi ang balitang “taken” na ang girlilet.

In fact, tanggap na ng pamilya ang pakikipagrelasyon ng kanilang kaanak. Masuwerte nga kung tutuusin ang couple na ito dahil maging ang kanilang negosyo ay kinasihan ng magandang kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sila na nga ba uli ng single guy? Ano sa palagay n’yo, Mercy Lejarde at Love Camille?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending