Du30 updated sa panibagong pambobomba sa Sultan Kudarat-Palasyo
TINIYAK ng Palasyo na patuloy na binibigyan si Pangulong Duterte ng impormasyon kaugnay ng panibagong pambobomba sa Isulan, Sultan Kudarat, kung saan dalawa ang patay, samantalang 12 iba pa ang nasugatan.
“The President has been kept updated on all developments by the Philippine National Police (PNP), which has already ordered its men on the ground to increase visibility and patrol and tighten security,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito’y sa harap naman ng isinasagawang official visit ni Duterte sa Israel at Jordan.
Kasabay nito, kinondena ng Malacanang ang nangyaring pag-atake.
“We strongly denounce the latest attack in Isulan, Sultan Kudarat. We are deeply saddened by the death of one innocent victim, per initial report, and pray for the swift recovery of those injured,” ayon pa kay Roque.
Nanawagan din si Roque sa mga residente na manatiling mapagmatyag sa harap ng patuloy na banta ng terorismo.
“We ask the residents to report anything suspicious to the authorities as we bring to justice all culprits behind this dastardly attack,” giit ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.